Celebrity Life

Luis Alandy, the unsuspecting leading man

BY AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Maraming mga fans ang nakakamiss sa hit afternoon prime show na Innamorata. Lalong-lalo na ang leading man ni Esperanza dito na si Edwin, played by the dashing Kapuso hunk Luis Alandy.

Pero mukhang walang immediate plans pa itong si Luis sa magiging sunod niyang projects after Innamorata

“[I want to] refresh, kasi ayoko parang carry over lang kung ano yung ginawa ko dito, i-carry over ko sa next [project] ko”.

Dagdag pa niya, gusto din nyang samantalahin ang pagkakataon na makasama at maka-bonding ang kanyang pamilya.

“Pero siguro [I want] more time with my family din. For the past four or five months talagang sobrang bihira ko sila nakikita”.

Sunod-sunod din kasi ang mga projects niya sa Kapuso Network like My Lover, My Wife, Broken Vow, Yesterday’s Bride, Binoy Henyo to name a few. Patunay lamang sa tiwala na ibinibigay ng GMA-7 sa actor at siyempre sa kanyang angking galing niya bilang artista. Kaya naman aminado itong si Luis na napakasuwerte niya dahil nabibigyan pa rin siya ng magagandang roles.

“Ang hirap isipin minsan na to be given such good roles parang until now, kasi naalala niyo 'yung mga kasabay ko, nagpakasal na di ba, 'yung iba wala na sa showbiz”.

“Actually every year in the business, surprise mo 'yun. So sinabi ko nga, I started around 17 years old, so half of my life, dito na sa showbiz. Pero hindi ko ineexpect talaga na to be given a chance [na] maging leading man” saad nito.