GMA Logo Shaira Diaz
source: shairadiaz_/IG
Celebrity Life

Shaira Diaz, mas nahirapan sa acting kaysa sa hosting

By Kristian Eric Javier
Published February 23, 2024 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Shai Gilgeous-Alexander drops 39 as Thunder hand Hawks 7th straight loss
Raps eyed vs group for blocking portion of road in Davao Oriental
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Shaira Diaz sa pagkumpara sa acting at hosting: “Ang pinakamahirap talaga, 'yung acting pa rin.”

Isa sa mga pinaka-versatile na artist ngayon ay ang Kapuso star na si Shaira Diaz dahil bukod sa pagiging magaling na aktres ay mahusay rin siyang host. Ngunit kahit nakita ang kakayahan niya bilang artista, aminado siyang mas mahirap pa rin ang acting kaysa hosting.

Sabi ni Shaira sa Surprise Guest with Pia Arcangel, sobrang nae-enjoy niya ang hosting na para bang hindi na siya nagtatrabaho tuwing ginagawa ito, at pakiramdam niya ay mabilis ang oras kumpara sa acting.

“Kapag taping, 'di ba, parang inaabot ka talaga ng isang buong araw, tapos nire-require pa po 'yung emosyon, 'di ba? Puyatan, dyaan 'yung pagod so mahirap po talaga 'pag sa acting,” sabio niya.

Sa parehong interview, inamin ni Shaira na hindi naman niya pinangarap ang maging artista at noong una ay masaya na siya na lumabas lang sa mga commercials.

Hindi rin niya umano akalain na mapapasama siya bilang host ng Unang Hirit at sinabing grateful siya sa mga oportunidad na dumating sa kaniya pagdating sa hosting, lalo na nang mapabilang siya sa hanay ng mga host sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya.

“Siyempre, nasa field na tayo ng hosting so nakakatuwa na maraming nakaka-recognize, daming nakakapansin sa ginagawa ko po,” sabi niya.

BALIKAN ANG ILANG STAR ATHLETES NA NAGING ARTISTA AT HOSTS SA GALLERY NA ITO:

Sinabi rin ni Shaira na kahit nahihirapan siya sa pag-arte, hindi niya dala ang mga emosyon mula sa mabigat na eksena sa bahay, ngunit nadadala niya ito buong araw habang nasa set..

“Nadadala ko po siya parang nahihirapan akong bumitaw pero not to the point na mauwi ko siya sa bahay,” sabi niya.

Pagpapatuloy ni Shaira, “Siguro ako, mauwi ko na lang talaga ay 'yung pure na pagod at antok pero 'yung mga emosyon sa eksena, hindi po.”

Pakinggan ang buong episode ng podcast dito: