
Bukod sa pagiging aktres, napatunayan din nina Shaira Diaz at Arra San Agustin ang galing nila sa pagho-host. Kasalukuyang parte ng primetime series ang dalawa-- si Shaira sa sa Lovers & Liars at si Arra sa Black Rider--bukod pa sa kanilang hosting commitments.
Sa interview nila sa GMA Regional TV morning show na Mornings with GMA Regional TV, ibinahagi ni Arra ang pagsisimula niya bilang host nang maging guest sa lifestyle informative show na Taste Buddies. Kasunod nito, kinuha siyang host ng digital food exploration show na Taste MNL.
Kuwento pa ni Arra, “And then after Taste Manila, nag-stop kasi because of the pandemic unfortunately. Tapos ito, Eat Bulaga. Nag-guest ako sa Eat Bulaga for a few times lang. 'Tapos, biglang nagtuloy-tuloy na siya.”
Si Shaira naman, nagsimula bilang guest sa science informative show na iBilib. Biro pa niya, “Then, hanggang sa nagustuhan nila ako, ginalingan ko rin talaga kasi kailangan.”
Unang naging remote guest host si Shaira sa morning show na Unang Hirit, hanggang sa maging regular host na siya ng programa.
“Nagtuloy-tuloy na siya kasi nga mukhang nagustuhan nila 'yung energy ko na talagang morning sunshine. Awa ng Diyos, naging regular na rin po ako sa Unang Hirit,” sabi niya.
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILAN SA MGA ATHLETE NA NAGING CELEBRITIES AT HOSTS NA RIN NGAYON:
Samanatala, inilarawan naman nina Shaira at Arra ang tungkol sa mga ginagampanan nilang karakter sa kani-kanilang mga serye. Si Arra gumaganap sa Black Rider bilang si Joan, ang fiancé ni Paeng (Matteo Guidicelli) na galing sa isang Chinese family na may strict na parents.
“Parang meron silang, hindi naman great wall, pero very strict lang talaga, very protective 'yung parents niya kasi solo child siya.”
“'Tapos, magkakaroon lang ng trahedya rin sa buhay ni Joan na magkakaroon ng malaking impact kay Paeng,” sabi ng aktres.
Sa kabilang banda, gumaganap naman si Shaira bilang si Nika Aquino, isang architect na may strong personality at high achiever, sa Lovers & Liars.
Paglalarawan ni Shaira kay Nika, “Mataas 'yung pangarap sa buhay, and matapang, hindi po siya natatakot na kalabanin 'yung mga lalaki sa workplace niya. Kasi, meron workplace discrimination na na-experience si Nika dito.”
Dagdag pa ni Shaira ay magkakaroon din ng love triangle ang character niya at ang mga karakter na ginagampanan nina Claudine Barretto at Yasser Marta.
Panoorin ang buong interview nila dito: