GMA Logo aga muhlach
Celebrity Life

Aga Muhlach, takot ba maghirap?

By Jansen Ramos
Published March 1, 2024 7:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

aga muhlach


Aga Muhlach sa kanyang lifestyle noon, ''Waldas din ako, parang nagkakamali ka rin.'

Isa sa mga successful na artista noong '80s ang dating matinee idol na si Aga Muhlach.

Dahil sa kanyang magandang career noon, nakapag-ipon ang mahusay na aktor at nagkaroon ng kakayahang makabili ng magagarang sasakyan at iba pang properties, at nahilig din sa mga mamahaling libangan.

Pero habang siya ay tumatanda, nabawasan ang hilig ni Aga sa mga materyal na bagay, ayon sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Bahagi ni Aga, "'Yung mga madaming kotse gano'n, wala na. Not because nag-downgrade ako but because I don't need it anymore because I don't go out."

Aminado si Aga na may panahong nagwaldas siya ng pera sa kanyang mga hilig noong siya ay bata-bata pa.

Patuloy niya, "Before when active ka sa labas, kung saan ka active, nando'n ang gastos mo, e. Kung active ka sa bars, clubs, siyempre, poporma ka, you know. You need your nice cars and ganyan, 'di ba, pero naka-balance ako no'n. 'Di ako all-out na gano'n pero minsan may gano'n din ako. Waldas din ako, parang nagkakamali ka rin."

Habang nagbabago ang panahon, nagbabago rin daw ang priorities si Aga.

Aniya, "Mahilig ako sa cars, mahilig ako sa gamit, mahilig ako sa bahay, sa art, so I would buy talaga from time to time. I love to be at home, houses. Kunwari, gusto mo magbakasyon, gusto ko nag-a-abroad, bibili ka ng bahay sa Amerika. Gusto mo nagpoprobinsya, pagawa ka ng bahay do'n. Ginagamit ko lahat 'yon. Walang nakakaalam no'n kasi nga parang hirap kami sa privacy, 'di ba? So, dahil 'di ka basta-basta nakakapunta sa resort, so parang you create your own. So, gano'n lang ang buhay, 'yun ang pinaglalaanan namin ngayon."

Sa ngayon, mas wais na si Aga sa kanyang mga pinagkakagastusan dahil ginagawa niya rin itong investment.

"Minsan 'pag natapos 'yon, 'yung mga gano'ng bagay in the past becomes your investments also because if you don't need it anymore, then you can sell it. Then, when you sell it, kunwari, 'yung pinagpagawa mo ng isang libong piso dati nabenta mo ng isang daang libong piso, e 'di kumita ka nang malaki. Na-enjoy mo na."

Napagdaanan na raw ni Aga na ma-zero noong nasa rurok siya ng kanyang kasikatan kaya natutunan niyang i-handle nang mabuti ang kanyang pera.

"Ngayon 'di na ako natatakot masyado kasi 54 na ako kung maghirap man ako. Ang tanong siguro kung may magtatanong sa 'kin, mamatay ka bang mayaman o mahirap? 'Di ko na iniisip 'yon. Sa 'kin basta mula noon, ine-enjoy ko buhay ko, e-enjoyin ko buhay ko.

"Kung mamatay ako nang mahirap, e di mahirap akong mamamatay. Ayoko masyadong takot. Ayoko matakot sa buhay. Basta happy ka lang."

Sa kabila ng kasikatan, importante rin daw na manatiling mapagpakumbaba.

"I think anything we plant now is what we will reap. Lahat ng tinanim nating kabutihan ngayon, lahat ng trabahong ginawa mo ngayon, lahat ng pagkaugali mo, aanihin mo lahat 'yan sa pagtanda mo."

Panoorin ang kabuuang panayam sa video sa ibaba.