Celebrity Life

Kris Bernal, dino-donate ang kanyang breastmilk sa mga nanay na nangangailangan

By Ron Lim

Palaging nirerekomenda ng mga pediatricians ang breastmilk para sa mga sanggol, pero hindi lahat ng nanay ay may sapat na breastmilk upang tugunan ang mga pangangailangan ng kanilang anak. Dito pumapasok ang mga nanay tulad ni Kris Bernal na tumutulong sa ibang ina na nangangailangan ng higit pang breastmilk.

Sa isang post sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kris ang isang Instagram Reel na nagpapakita ng pagkolekta niya ng kanyang labis na breastmilk dahil ang kanyang anak na si Hailee ay hindi iniinom ang ininit lamang na breastmilk. Dahil labis ang kanyang breastmilk, ibinahagi ni Kris na idino-donate niya ang kanyang labis na breastmilk sa mga nanay na tulad ni Liza Ibarle, na hindi na makagawa ng breastmilk dahil sa mga chemotherapy na pinagdaanan ng magkaroon ito ng breast cancer. Sinaad ni Kris na “not all heroes wear capes” at sana ay ang kanyang labis na gatas ay makaligtas ng buhay.

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)



Patuloy ang pag-rekomenda ng mga doctor sa breastmilk na patuloy namang sinusuportahan ng siyensa. Noong 2022, isang pag-aaral na inilathala sa American Economic Journal: Applied Economics ay nagpakita na mas mataas ang cognitive ability ng mga bata sa disadvantaged families kung sila ay na breastfeed noong kabataan nila.

Ipanakita ng pag-aaral na ang mga kabataan mula sa disadvantaged families na breastfed ng tatlong buwan ay mas naging maganda ang resulta sa mga cognitive tests. Nakita rin na mas magaling sa “expressive language” at pagbabasa at pagbibilang ang mga batang breastfed.

Ipinanganak ni Kris ang kanyang anak na si Hailee Lucca noong Agosto nitong nakaraang taon. Nanggaling ang pangalan ng kanyang anak mula sa “hallelujah”, na ang ibig sabihin ay “praise the Lord”, at sa pagkahilig ni Kris sa NBA player na si Luka Doncic noong buntis siya.