GMA Logo Pokwang
Celebrity Life

Pokwang, nakatanggap ng suporta sa netizens sa pagsisikap sa kaniyang negosyo

By Maine Aquino
Published March 12, 2024 3:52 PM PHT
Updated March 18, 2024 12:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Excited na si Pokwang pati na rin ang kaniyang supporters sa pagbabalik ng kaniyang food business.

Patuloy pa rin sa paghahanda si Pokwang para sa kaniyang food business, ang Mamang Pokwang's Gourmet.

Kasabay ng kaniyang paglipat sa bagong bahay ay ang pagpapatayo ng kaniyang kitchen kung saan gagawin ang kaniyang mga ibebentang food products. Matatandaang sumikat online ang ibinebentang gourmet tuyo, tinapa, laing, at iba pa ng TiktoClock host.

PHOTO SOURCE: itspokwang27

Sa kaniyang bagong Instagram update, ipinakita ni Pokwang ang progress ng kaniyang kitchen.

Saad ng aktres at host, "Ang pagbabalik ng @mamangpokwangs_gourmet VERY, VERY SOON!!!"

Isang post na ibinahagi ni Marietta Subong (@itspokwang27)

Sa Instagram story naman ay ipinakita ni Pokwang na idini-deliver na ang kaniyang appliances at iba pang mga gagamitin sa kaniyang kitchen.

Tumanggap naman ng papuri si Pokwang dahil sa kaniyang pagsisikap na buhayin muli ang kaniyang negosyo. Saad ng isang netizen, "I admire you, Laban lang ng Laban, for your children. God bless you always & May your business be successful!"

Komento naman ng isang follower ni Pokwang, "Go go miss pokie GOD BLESS YOU MORE MORE AND MORE🙏🙏🙏"

Isang netizen ang nagpahayag ng paghanga kay Pokwang, "I admire your resilience! Yan Ang Pinay!"

Samantala, hiling ng ilang supporters ni Pokwang ay madagdagan pa ang blessings sa kaniyang buhay.

PHOTO SOURCE: Instagram

Patuloy na subaybayan si Pokwang sa TiktoClock at sa Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0

SAMANTALA, BALIKAN ANG SUMMER HOUSE NI POKWANG SA MARIVELES, BATAAN: