advertisement
Celebrity Life

Jennylyn Mercado's showbiz career through the years

1 of 23

StarStruck

Ang reality-based artista-search na 'StarStruck' ay nagbigay-daan kay Jennylyn para makilala sa mundo ng showbiz.

2 of 23

First shows

Matapos manalo sa naturang kompetisyon, kabi-kabila ang guests appearances ng noo'y 'StarStruck' hopeful. Ilan lamang sa unang TV appearances niya ay ang defunct barkada programs na 'Click' at 'Joyride.'

3 of 23

Second lead

Mula sa paggawa ng support roles, unti-unting yumabong ang career ni Jennylyn. Gumanap siya bilang second lead sa programang 'Forever In My Heart' (2004), na pingbidahan ng mga bigating artistang sina Regine Velasquez, Richard Gomez, Dawn Zulueta, at Ariel Rivera.

advertisement
4 of 23

Encantadia

Higit na umingay ang pangalan ni Jennylyn matapos mapabilang sa hit telefantasyang 'Encantadia' (2005) kung saan siya gumanap bilang Lira.

5 of 23

Lead role

Gumanap din siya bilang main character sa 'Super Twins' (2005), 'La Vendetta' (2005), 'Ikaw Sana' (2009), 'Little Star' (2010), 'Futbolilits' (2011) 'Hindi Ka Na Mag-iisa' (2012), at 'Indio' (2013).

6 of 23

Rhodora X

Ipinamalas naman ni Jennylyn ang kanyang pagiging versatile actress sa drama thriller series na 'Rhodora X' (2014) kung saan lumabas siya bilang babaeng mayroong Dissociative Identity Disorder.

advertisement
7 of 23

Recording artist

Bukod sa drama, nakilala rin siya dahil sa kanyang magandang boses. Noong 2014, ini-release ang kanyang first album na 'Living The Dream'under GMA Records. Ginawaran ito ng Philippine Association of the Record Industry o PARI ng Platinum Award.

8 of 23

Album

Nasundan pa ito ng apat na albums: “Letting Go” (2005), “Kahit Sandali” (2008) "Love Is..." (2010), "Never Alone" (2014), at "Ultimate" (2016).

9 of 23

EP

Bukod sa albums, mayroon ding extended plays at compilation albums si Jennylyn.

advertisement
10 of 23

Sunday All Stars

Naging platform naman niya ang dating GMA musical variety show na 'Sunday All Stars' para ipakita ang kanyang pagiging total performer.

11 of 23

Hosting

Ipinamalas ni Jennylyn ang kanyang galing sa pagho-host sa 'Protégé: The Battle For The Big Artista Break' at 'Superstar Duets.'

12 of 23

Movies

Pagdating naman sa pelikula, higit siyang nakilala sa 'English Only, Please,' kung saan siya ginawaran bilang Best Actress ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2014 para sa kayang pagganap sa romantic-comedy film. Nakatambal niya rito ang 'The Better Woman' actor na si Derek Ramsay.

advertisement
13 of 23

Rom-Com Queen

Nasundan pa ito ng rom-com movies gaya ng 'Just The Three Of Us' (2016) at 'Walang Forever' (2017), na talaga namang pumatok sa takilya. Dahil dito, binansagan siya bilang Rom-Com Queen.

14 of 23

FHM

Hindi lang sa kanyang craft hinahanggan si Jennylyn, kundi sa kanyang sexy physique. Noong 2015, itinanghal siya bilang Sexiest Woman in the Philippines ng isang men's magazine.

15 of 23

Ultimate Star

Dahil sa kanyang mga talento at ambag sa telebisyon, binansagan siyang Ultimate Star. Ibinigay sa kanya ang moniker na ito noong 13th anniversary niya sa showbiz.

advertisement
16 of 23

Love You Two

Nakatambal din ni Jennylyn sa rom-com series na “Love You Two” ang Kapuso at beteranong aktor na si Gabby Concepcion.

17 of 23

StarStruck

Matapos ang ilang taon, binalikan ni Jennylyn ang reality TV show na StarStruck sa ikapitong season nito bilang host. Katuwang niya ang noo'y host ng StarStruck Season 1, si Primetime King Dingdong Dantes.

18 of 23

YouTube star

Para lalong makapaghatid ng saya sa kanyang fans, pinasok na rin ni Jennylyn Mercado ang pagiging YouTube content creator. Sinusubaybayan siya ng daan-daang libo niyang fans sa naturang

advertisement
19 of 23

CoLove

Sa pagbubukas ni Jennylyn Mercado ng sariling YouTube channel, inilunsad rin niya ang CoLove, ang collaboration cover nila ng boyfriend na si Dennis Trillo.

20 of 23

CoLove Live

Matapos ang matagumpay na paghahatid ng mahuhusay na covers ng mga kantang tumatak sa maraming Pilipino, dinala nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang "CoLove" sa entablo at naghandog ng concert para sa kanilang masugid na tagahanga sa pamamagitan ng “CoLove Live” na ginanap noong Pebrero 2020.

21 of 23

My Love From The Star

Hindi na lang pag-arte ang pinagkakaabalahan ni Jennylyn dahil pinasok na rin niya ang mundo ng pagnenegosyo sa pagbubukas ng kanyang LitterBucks cat café sa Maginhawa Street sa Diliman, Quezon City noong Pebrero 2020. Business partner niya rito ang boyfriend niyang si Dennis Trillo.

advertisement
22 of 23

Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)

Labis ding tumatak sa mga manonood ang role ni Jennylyn sa GMA adaptation ng isa pang hit Koreanovela. Siya ang gumanap sa papel ng Korean superstar na si Song Hye-kyo bilang Doc Maxine sa local version ng popular na K-drama na 'Descendants of the Sun' na may parehong pamagat. Dito ay nakatambal niya ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na gumanap naman sa papel ni Song Joong-ki, ang Alpha Team leader na si Lucas.

23 of 23

Love. Die. Repeat.

Sa pagbabalik-teleserye ni Jen matapos manganak, bibida ang aktres sa bagong soap na mapapanood sa primetime. Sa unang pagkakataon, magtatambal sila ni Xian Lim sa drama series na 'Love. Die. Repeat.' Ayon kay Jen, kakaiba ang konsepto ng serye dahil hinaluan ito ng fantasy na hindi pa nagagawa noon.