
Usap-usapan ngayon sa social media ang Chocolate Hills, ang isa sa mga itinuturing na treasure ng Bohol at ng Pilipinas.
Kamakailan lang, isang video ang mabilis na kumalat online kung saan makikita na mayroong isang resort na nakatayo sa gitna ng Chocolate Hills.
Kaugnay nito, ilang netizens at celebrities ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon ang komento tungkol sa pagpapatayo ng resort doon.
Isa sa mga napa-react ay ang It's Showtime host at aktres na si Anne Curtis.
Ramdam sa post ni Anne sa X ang kanyang pagkadismaya nang mapanood niya ang video tungkol sa resort.
Sulat niya, Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country.
Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country 😭 https://t.co/ITucIPrXll
-- Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) March 13, 2024
Samantala, kamakailan lang, ipinagdiwang ni Anne ang kanyang 39th birthday.
Nagkaroon din siya ng pasabog na post birthday celebration kasama ang ilang Overseas Filipino Workers sa mismong studio ng It's Showtime.
Related gallery: The classiest outfits we've spotted on Anne Curtis