Celebrity Life

Thea Tolentino, fashion peg si Taylor Swift

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Naniniwala sa kasabihang "simplicity is beauty" si Kapuso star Thea Tolentino pagdating sa fashion. Ayon sa star ng The Half Sisters, ang Hollywood celebrity na si Taylor Swift ang peg niya sa pananamit.

Kuwento ni Thea, kung maaari raw ay hindi siya masyadong nagpapakita ng balat sa mga damit niya. “Kapag lalabas ako, simple lang like long sleeves. 'Yung may dating,” pahayag niya.

Hindi masyadong pansinin ang mga gustong damit ni Thea. Naniniwala kasi siyang maganda sa paningin ang pagiging simple.

“'Yung suot mo may dating pero simple lang tulad ni Taylor Swift,” saad ni Thea.

Bakit si Taylor Swift? “Bagets kasi siya, tama sa age namin. Tapos simple na curl lang 'yung hair niya, tapos dress,” sagot ng aktres.

Ayon pa kay Thea, ang mga kalimitang damit niya ay pastel colors tulad ng pink, peach, light blue at teal. Mas bagay daw kasi sa edad niya ang ganitong mga kulay.

Bahagi pa ni Thea, hindi siya mukhang artista kapag nasa bahay lang siya. “Shorts and t-shirts lang ako. Hindi ako nagsasando at hindi ako nag-i-sleeveless,” anang aktres.