GMA Logo Dingdong Dantes
Celebrity Life

Dingdong Dantes, masayang maglingkod sa bansa bilang aktor at reservist

By Jimboy Napoles
Published March 27, 2024 5:18 PM PHT
Updated March 28, 2024 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


“Mahalaga talaga para sa akin ang makapaglingkod sa ating bayan.” - Dingdong Dantes

Very proud si Kapuso Primetime at 'box-office' King Dingdong Dantes sa kaniyang pagiging navy reservist.

Kamakailan, natapos na rin ni Dingdong ang Naval Combat Engineer Officer Basic Course sa Philippine Navy Seabees Headquarters.

Ayon sa Family Feud host, mahalaga para sa kanya ang makapaglingkod sa bansa bilang isang aktor, at bilang isang reservist.

Aniya, “Mahalaga talaga para sa akin ang kahit anong opportunity para makapaglingkod sa ating bayan and for me, my way is one, through my work in GMA and second, by becoming a volunteer as a reservist through the organization na AFP [Armed Forces of the Philippines].”

Bilang isang reservist, masaya si Dingdong na makatanggap ng mga bagong training na makapagbibigay sa kanyang ng mga kaalaman.

“Well, isa sa mga priveleges of being a reservist is the access to continuous education from the organization sa AFP. So puwede kaming pumili kung ano 'yung mga training na puwede naming gawin as a reservist and mapalad ako na mapabilang ako doon sa class na 'yun so nakuha ko 'yung mga ganung klaseng learnings. So, tuloy-tuloy lang kasi siyempre learning should never stop kahit sa anong larangan man,” ani Dingdong.

Sa kabila ng pagiging abala sa kaniyang mga trabaho, nakakahanap pa rin ng oras si Dingdong para sa mga bagay na importante para sa kaniya.

“Oo kasi talagang hilig ko talaga siya and passionate ako about these things kaya ginagawan talaga ng paraan pero siyempre mahalagang hindi mawalan ng oras para sa mahahalagang bagay kagaya ng trabaho at siyempre ang pinakamahalaga sa lahat 'yung pamilya,” masayang sinabi ng aktor.

Samantala, mapapanood naman si Dingdong sa all-new episodes ng Kapuso game show na Family Feud na nagdaos kamakailan ng 2nd anniversary.

RELATED GALLERY: TRIVIA: The incomparable career of Dingdong Dantes