Celebrity Life

Thea Tolentino does not believe in an ideal guy



By AL KENDRICK NOGUERA


Hindi daw mapili ang 'The Half Sisters' star na si Thea Tolentino pagdating sa guys. Pero bakit kaya hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang single?

Walang balita tungkol sa love life ni Thea mula noong pumasok siya sa showbiz dahil sa pagpakapanalo niya sa Protégé Season 2. Ang tanging naging malapit lang noon kay Thea ay ang kanyang dating ka-love team na si Jeric Gonzales.

Parehong produkto ng nasabing talent-search show sina Thea at Jeric. Dahil sila ang nanalo rito, sila ang ginawang magkapareha sa kanilang first show na Teen Gen. Nag-click ang tambalan nila kaya't sinundan agad ito ng Pyra Babaeng Apoy.

Sa interview ni Jeric sa GMANetwork.com last year, sinabi niya na kapag nagpatuloy pa ang kanilang love team ni Thea ay baka mauwi ito sa real life relationship. Pareho din nilang sinabi na possibleng maging silang dalawa offcam.

Pero naudlot ang 'getting there' status ng dalawa dahil nag-goodbye na ang kanilang love team. Ngayon kasi ay si Andre Paras na ang kapareha ni Thea. Samantalang si Jeric, nagiging busy naman sa kanyang indie film appearances.

Nang tanungin namin si Thea tungkol kay Andre, sinabi niyang boyfriend material ang The Half Sisters co-star.

Pero pag-amin ni Thea, single pa rin daw siya ngayon. Hindi raw kasi siya aware kung mayroon bang nanliligaw sa kanya. “Hindi ko alam kung may nagpaparamdam ba or wala,” saad niya.

Dagdag pa niya, “Mayroon kasi akong tendency na kapag nalaman kong may gusto 'yung friend ko sa 'kin, na friend lang talaga 'yung tingin ko sa kanya, iiwasan ko siya. Ganoon ako eh. As much as possible ayoko nang mangyari ‘yon.”

Sa huli ng aming interview, nilinaw ni Thea na hindi raw siya naniniwala sa ideal guy. “Walang ideal, ideal, basta mararamdaman mo na lang,” pahayag niya.