Celebrity Life

Pancho Magno, pinaghahandaan na ang muling pagrampa



By MICHELLE CALIGAN


Magmula nung pasukin niya ang mundo ng showbiz, very visible sa modeling events ang Kapuso hunk na si Pancho Magno. This year ay muli siyang sasabak sa pagrampa para sa isang magazine at isang clothing brand. Magbabalik telebisyon na rin si Pancho bago matapos ang taon dahil kasama siya sa teleseryeng Ang Lihim ni Annasandra.

Pangatlong taon na daw ngayon ni Pancho sa pagsali sa Cosmo Bachelor Bash, while it is his second time to walk on the Bench Fashion Show runway. Naiilang pa rin kaya siya sa pagrampa nang naka-underwear lang?

"May ilang pa rin, pero iniisip ko na lang na matatapos din ito agad. Lalo na sa Cosmo, dahil ang dami doon na talagang nag-ramp model. May time mag-workout. Eh kami minsan, puyat na, walang time. Mahirap sumabay," kuwento niya sa amin sa pocket presscon ng Ang Lihim ni Annasandra kamakailan.

Dagdag pa niya, "'Yun pa ang nakaka-pressure kasi ang dami nila, so kung paano ka mag-stand out, 'yun ang nakaka-challenge. Dapat may sarili ka talagang gimmick, lalo na sa Cosmo."

Mas intense daw ang preparations niya ngayon dahil kailangan din niyang magpaganda ng katawan para sa kanyang upcoming series kung saan makakasama niya sina Andrea Torres at Mikael Daez. Pero thankful pa rin si Pancho dahil naisasabay niya ang pag-workout for all projects.

"Part din ng show na maganda ang katawan ko, kaya sabay-sabay na ang pag-workout. 'Yung diet ko for the show ay for the events na rin. Ngayon hindi na ako nagra-rice, hindi na ako nag-oily food. Everyday workout talaga, as much as possible. Kahit mga 30 minutes lang, basta makapag-workout lang."