Celebrity Life

Solenn ready to tackle offbeat roles

BY AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Pinatunayan ni Solenn Heussaff sa Survivor Philippines Celebrity Edition that she is more than just a pretty face. Ngayon, litaw na litaw ang galing at talento niya bilang Kapuso artist.

Sa katunayan super blessed ang Kapuso actress, dahil ang daming opportunities ang dumating sa buhay ni Solenn, na pangarap ng lahat nang gusto pasukin ang pag-aartista.

Umarte na siya sa soap, nakapag-launch ng sariling album, bumida sa pelikula, maging cover girl ng mga sikat na magazines at host ng isang lifestyle cooking show.

Kaya tanong namin sa Taste Buddies star, alin sa mga ito ang pinaka-enjoy niyang gawin. Saad nito “Hosting, mas gusto ko maghost. Lalo kapag travel shows tulad ng Taste Buddies, travel at may food din, food tasting mas comfortable naman ako sa ganun.”

Dagdag ng dalaga, “Sa acting minsan hirap [ako] sa mga lines ganun. Sa kanta gusto ko 'yung kumakanta ako, pero may genre 'yung [bagay] sa voice ko. Hindi ko puwede gawin 'yung mga mataas-taas na pitch”.

Unlike other artists na pumipili ng mga roles na gustong gampanan, ibahin niyo si Solenn dahil hindi ito natatakot to tackle extreme roles.

“Gusto ko mag-act sa isang horror film na ako 'yung ghost, tapos 'yung mga scenes na medyo parang 'yung mga psycho [or] mga drug addicts”.