GMA Logo Anjo Pertierra as student athlete
Celebrity Life

Anjo Pertierra, mas nahirapan maging student-athlete kaysa professional athlete

By Kristian Eric Javier
Published April 12, 2024 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Anjo Pertierra as student athlete


Alamin kung ano ang naging kaibahan ng pagiging student at professional volleyball player para kay Anjo Pertierra.

Bago pa nakapasok sa showbiz ang Unang Hirit host at weather forecaster na si Anjo Pertierra ay naging professional athlete muna siya sa sport na volleyball. Pero ayon sa kaniya, mas mahirap at challenging ang maging isang student-athlete kaysa maging professional.

Sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, kinuwento ni Anjo na bago pa siya ang-volleyball ay sumubok na siya ng iba't-ibang sports. Kabilang dito ang football, track and field, taekwondo, badminton at basketball.

Ayon sa kaniya, nahilig siya sa iba't-ibang sports dahil lagi silang sinasama ng kapatid niya ng kanilang ama sa mga sporting events.

“Kasi nga mahilig siya sa sports din, so naglalaro po kami dati ng basketball nung dad ko and brother ko. At the same time, dinala niya kami lagi sa court, so nahilig na kami sa bola,” sabi niya.

High school pa lang umano si Anjo nang nakahiligan na niya maglaro ng volleyball. Ayon pa sa kaniya, kasabay niyang nilalaro ito noon sa basketball. Pero nang mapansin na mas na-e-enjoy at mas may thrill para sa kaniya ang volleyball, ay itinigil na niya ang isa.

“Ang intense e, kaya parang nagustuhan ko, ang bilis ng transition, ang ingay, ang saya lang,” sabi niya.

KILALANIN ANG IBA'T-IBANG CELEBRITY ATHLETES AT KANILANG SPORTS SA GALLERY NA ITO:


Sinabi rin ng Growing Boy ng Unang Hirit na pagtungtong niya ng college ay maraming school na ang lumapit sa kaniya para mag-alok ng sports scholarships. Matapos makapasok sa iba't-ibang schools, nakapasok siya sa Mapua kung saan naglaro siya para sa kanila for 4 years.


“So ang dami kong naging teammates doon na naging kalaban ko nung college, naging teammates ko nung college so ang saya Ms. P na ganun ang nangyayari sa buhay ko,” sabi niya.


Ngunit hindi doon natapos ang sports journey niya dahil pagkagraduate niya ay nakapasok naman siya sa pro league.


"Akala ko hanggang dito na lang, ta's biglang boom, onto the next. Parang 'yung alam mo yun, kasi bilang atleta Ms. P, pangarap namin mapunta sa pro league, ang dami pong hindi pinapalad na mapunta at mabigyan ng opportunity," sabi niya.


Pagpapatuloy ni Anjo, "Kaya para sa akin na akala ko hanggang doon na lang, sobrang gulat ko Ms. P kaya 'Oh my God, andito na tayo sa pro leagues.' Para naglalaro ka na, kumikita ka pa, pangarap ng atleta 'yan."


Ngunit kahit sumabak na siya sa pro league, aminado pa rin si Anjo na mas mahirap pa rin para sa kaniya ang maging isang student-athlete. Bukod kasi sa twice a day ang training nila noon, kailangan din pagbutihin ang pag-aaral nila.

“Mas mahirap maging student-athlete kasi nga, 'pag professional ka na kasi, ang nasa isip mo na lang maglaro. To perform, to do your best, trainings, 'yun na 'yun e, to keep conditioned,” aniya.

“Pero sa college, iniisip mo 'yan while doing studies na may deadlines ka na assignments, homeworks and everything, projects. So mas mahirap, pero mas masaya maging student-athlete,” pagpapatuloy ni Anjo.

Pakinggan ang buong interview ni Anjo dito: