Celebrity Life

Barbie Forteza’s birthday wish: 'Tween Hearts' Season 2

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Next week na ang birthday ni Kapuso teen star Barbie Forteza at magiging 17 years old na siya pagdating ng July 31. Ayon sa The Half Sisters star, mayroon daw siyang kaisa-isang wish na hinihiling para sa kanyang kaarawan.

“Mabuti na lang kasi Huwebes 'yung birthday ko. So hindi siya taping day kaya plano kong mag-overnight kasama 'yung Tweens. Kami-kami lang, kain-kain lang,” pahayag ni Barbie.

Ayon kay Barbie, sobrang miss niya na ang co-stars niya dati sa Tween Hearts na sina Bea Binene, Jake Vargas, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Derrick Monasterio at marami pang iba kaya excited na siyang makasama sila sa importanteng araw na ito.

Almost two years ding nag-run ang youth-oriented show at saktong two years na rin ang nakalipas mula nang magkahiwa-hiwalay ang Tweens dahil nagkaroon na sila ng kani-kanilang proyekto.

Kaya ang ultimate birthday wish ni Barbie ay ang ibalik muli ang Tween Hearts.

“Katulad ninyo [fans], gusto rin naming maibalik ang Tween Hearts kasi halos bonded na kami talaga hanggang ngayon kahit sobrang tagal nang tapos ng show,” saad ni Barbie.

Dagdag pa ng aktres, kung puwede raw ay same team pa rin ang hahawak sa Tween Hearts Season 2. Aniya, “Sana same production at same director. Kasi kuhang-kuha na talaga namin si Direk Gina Alajar,” saad ni Barbie.