GMA Logo Angelica Panganiban
Source: officialjuday (Instagram)
Celebrity Life

Judy Ann Santos, may sweet message sa kanyang 'baby sister' na si Angelica Panganiban

By Jimboy Napoles
Published April 21, 2024 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Angelica Panganiban


May touching message si Judy Ann Santos sa kanyang 'baby sister' na si Angelica Panganiban sa second wedding nito kay Gregg Homan.

Natutuwa ang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo para sa kanyang “baby sister” na si Angelica Panganiban dahil sa masayang estado ng buhay nito ngayon kasama ang asawang si Gregg Homan at kanilang anak na si Amila Sabine.

Isa si Juday sa mga celebrity at malalapit na kaibigang imbitado sa second wedding nina Angelica at Gregg sa Siargao nitong Sabado, April 20.

Sa Instagram post ni Juday, makikita ang masayang larawan nina Angelica at Gregg sa after party ng kanilang kasal.

“Napakasarap nyong pagmasdan… napakasaya ko para sa'yo my sweet baby sister.. mahal na mahal kita,” touching message ni Juday kay Angelica.

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Sa hiwalay na social media post, ibinahagi naman ni Juday ang larawan ni Angelica habang emosyonal na naglalakad patungo sa altar suot ang kanyang wedding gown. Dito ay nagbigay muli ng mensahe si Juday sa itinuturing niyang nakababatang kapatid.

“Ramdam na ramdam ko ang kaligayahan ng puso mo. Napakasaya ko para sa'yo mahal kong Cindy. Andito lang ang Pamilya Agoncillo palagi para sa Pamilya Homan. Mahal na mahal namin kayo,” ani Juday.

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Unang ikinasal sina Angelica at Gregg sa Los Angeles, California, noong December 31, 2023.

RELATED GALLERY: Angelica Panganiban and Gregg Homan welcome guests for second wedding in Siargao