Why triathlon is not for Solenn Heussaff
Published On: July 25, 2014, 09:59 AM
Updated On: February 23, 2020, 04:43 PM
By ANN CHARMAINE AQUINO
Kahit na very active ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff, hindi pa rin siya makumbinse na i-try ang triathlon.
Isang triathlete ang kanyang close friend na si Isabelle Daza, pero para sa kanya, hindi ito ang kanyang favored na physical activity. Aniya, “Ayoko talaga!”.
Isang nakakatawang pahayag ang binitawan ni Solenn sa mga taong patuloy na sumasali sa triathlon. “Parang iba ‘yung mga tao doon. Medyo baliw sila”.
Okay lang umano kay Solenn ang strenuous exercises pero hindi niya talaga gusto ang triathlon, kaya lagi siyang binibiro ng kanyang kaibigan na si Isabelle.
“Like, okay lang [ang strenuous activities kasi] nag-join na ako ng relay. So nag-swim ako, 'yung boyfriend ko nag-run, tapos may army guy na nag-bike,”saad ni Solenn.
Ipinahayag rin ni Solenn kung bakit siya hindi niya maipapasa ang pagiging triathlete.
“7 hours straight na non-stop exercises lang at walang music? Goodbye triathlon!” natatawang sabi ni Solenn.
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com