Celebrity Life

Jennylyn Mercado rushed to Mark Herras' side when his dad passed away

By MICHELLE CALIGAN

Isa si Jennylyn Mercado sa mga unang tinawagan ni Mark Herras nang pumanaw ang kanyang ama noong Lunes ng gabi, July 28. Namatay sa cardiac arrest si Claudio C. Herras, o Daddy Jun, sa edad na 61.

In an exclusive interview with GMANetwork.com on Tuesday, July 29, ikinuwento ni Jen na nasa shooting siya nang tumawag ang ex-boyfriend at Rhodora X leading man.

"Last night, nasa shooting ako, then he called. Pumunta agad ako sa emergency room. Halos pagkadating ko, nandoon na siya sa morgue," pahayag niya.

Dagdag pa niya, "Siyempre masakit kasi nakasama rin namin siya ng matagal. Love na love ko 'yun eh. Sila ni Mommy 'yung talagang magkasundo."

Malapit na si Jen kay Daddy Jun mula pa noong Starstruck days nila ni Mark. Maaalalang sumali si Mark sa unang season ng reality show para matulungan financially ang kanyang amang nasangkot sa isang pyramiding scam.

Naging matagumpay naman ang artista hopeful because he emerged as the First Ultimate Male Survivor. Kaliwa't kanan ang naging projects ni Mark sa Kapuso network, kabilang na ang mga teleseryeng pinagtambalan nila ni Jennylyn.

Nag-iwan naman ng maikling mensahe si Jen para sa malapit na kaibigan.

"I hope si Mark maka-recover at alam namin na mahirap pero andito lang kami para sa kanya. Mahal na mahal namin 'yun eh."