Celebrity Life

Mark Herras, nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ama

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa isang Instagram post, ibinalita ni Mark Herras ang pagpanaw ng kanyang ama na si Daddy Jun. Ipinost ni Mark sa kanyang account ang mensahe at ang kanyang baby picture kasama ang kanyang ama.

Pahayag ni Mark sa kanyang Instagram post: “Thank you dad for everything.... Salamat sa lahat ng mga magagandang alaala na iniwan mo sakin... Kung papaano mo ako pinalaki,inalagaan at minahal... 27 years kitang kasama dad, hindi ko alam kung paano ako gigising sa umaga at matutulog sa gabi ngayong alam kong wala ka na... Ikaw ang bumibili sakin ng mga gamit ko mula noon hanggang ngayon lalo na pag biglaan... Dad mahal na mahal kita at maraming salamat po sa lahat... Iloveyou daddy jun....”

Si Daddy Jun ang kinalakhang ama ni Mark at punong puno ng pasasalamat ang aktor sa pagmamahal na ibinigay nito sa kanya. Si Daddy Jun rin umano ang naging kasangga ng aktor simula ng siya ay mapasok sa showbiz. Inamin rin ni Mark na nahihirapan siyang tanggapin na wala ang kanyang ama.

Sa pagpanaw ni Daddy Jun, nakatanggap ng pakikiramay ang aktor mula sa kanyang mga kaibigan, fans, at mga nakatrabaho sa mundo ng showbiz.

Noong Miyerkules, nagsalita na rin si Mark sa 24 Oras tungkol sa pagpanaw ng kanyang ama.