
Aminado ang The Clash season 5 finalist na si Liana Castillo na bata pa lang ay hilig na niya ang pagkanta, lalo na ng mga pinapatugtog ng kaniyang daddy sa radyo. Ngunit ayon sa kaniya, hindi ganun kaganda ang naging unang performance niya sa stage at sinabing para siyang puno sa pagiging stiff.
Sa Surprise Guest with Pia Arcangel, kinuwento ni Liana na 10 years old siya unang kumanta sa entablado.
“Nagprisinta po akong kumanta on stage ng 'Let it Go.' Nagulat ako, 'Bakit nga ba 'yun 'yung pinili ko?'” sabi niya.
Nilinaw niyang hindi siya ang tumugtog ng piano at gumamit lang siya ng minus one. Nang pinanood niya ulit ang kaniyang performance ay “very tense” siya noong mga panahon na 'yun.
“Talagang very tense pa po ako, tuod pa, and 'yung kamay ko parang nakatigil, mukha po akong tree. Ganun po 'yung itsura ko nung nagpe-perform,” sabi niya.
Dahil sa performance niyang iyon ay na-realize ni Liana na nag-enjoy siya sa pag-perform. Aniya, “Even po tense na tense po ako and kinakabahan, parang I like the thrill of it po.”
MAS KILALANIN PA SI LIANA CASTILLO SA GALLERY NA ITO:
Ang performance rin na iyon mismo ang dahilan kung bakit siya pinush ng kaniyang mga magulang sa pagkanta.
Pag-alala niya, “Ang sabi po nila, 'Ah, nakakakanta ka pala? Hindi namin akalain.' Then du'n na po nila ako pinush na kumanta na po.”
Pagkatapos ng kaniyang performance sa recital ay sumabak na kaagad siya sa TV contests, ngunit hindi siya pinalad na manalo.
“Pero sabi ko, 'yun na po 'yung as in start ng pagko-contest ko po na sumali sa mga ganito. And dahil sa experience ko po dun, marami po akong natutunan na experiences. Compared po before na very stiff ako, ngayon, quite opposite na po,” sabi niya.
Nang tanungin siya kung bakit hindi siya nawalan ng loob sa kaniyang pagkatalo, sinabi ni Liana na naging malaking tulong ang suporta ng kaniyang mga magulang.
“'Yung sabi [nila], 'Naku, meron pang next time.' And sa competition naman po talaga, may natatalo and may nananalo,” pagpapatuloy niya.
Pakinggan ang buong interview ni Liana rito: