Celebrity Life

Barbie Forteza, Derrick Monasterio spend birthdays with Tween Hearts barkada

By AL KENDRICK NOGUERA

 
Magkasunod ang birthday ng The Half Sisters love team na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. Kahapon lang nag-celebrate ng kanyang 17th birthday ang teen actress at ngayong araw naman ang 18th birthday ni Derrick.

Nangyari nga ang plano ni Barbie na i-celebrate ang kaarawan niya kasama ang kanyang co-stars dati sa youth-oriented show na Tween Hearts.

Noong binisita ng GMANetwork.com si Barbie sa taping ng The Half Sisters last week, sinabi niya na gusto niyang magkaroon ng overnight party kasama ang kanyang barkada.

Ang tinutukoy ni Barbie ay ang GMA Tweens na sina Joyce Ching, Kristoffer Martin, Bea Binene, Jake Vargas, Louise delos Reyes at Hiro Peralta. Siyempre, hindi mawawala ang kanyang ka-love team na si Derrick sa party na sinalubong din ang kaarawan kagabi.

Nag-post si Barbie sa kanyang Instagram ng picture nila ni Derrick with this caption: “Happy birthday, looveteamuh! So happy for you!”



Nag-share na si Barbie ng kanyang birthday wish. Ito raw ay ang magkaroon ng Tween Hearts Season 2.

Nagbigay rin siya ng birthday wish para kay Derrick: “Wish ko para sa kanya, sana [ay] magka-girlfriend na siya. Sana naman.”