Celebrity Life

Kris Bernal, puspusan ang paghahanda para kay Dennis Trillo

By ANN CHARMAINE AQUINO



Marami ang naghihintay sa muling pagbabalik ni Kris Bernal sa telebisyon kaya naman nasasabik na silang malaman kung ano ang karakter na kanyang gagampanan sa kanyang bagong proyekto.

Sa Hiram na Alaala, makakatambal niya umano si Dennis Trillo kaya puspusan ang paghahanda ng aktres para rito.

Kuwento ni Kris, “I'm happy and it's overwhelming kasi this will be my first mature role and at the same time it's my first time to work with Dennis as my leading man. So talagang medyo mabigat siya, kasi parang we know how brilliant Dennis is as an actor. So parang nape-pressure ako, at na-challenge ako na kailangan kong galingan, kailangan makasabay ako sa kanya”.

Bukod sa paghahanda niya sa tambalan nila ni Dennis, naghanda rin umano si Kris sa mature na character niya rito.

Pahayag ni Kris, “past roles ko sunod sunod na sweet talaga ako e. Lagi akong pa-cute, lagi akong parang teenybopper lang. Eto kasi yung pagka-mature nito, mapupunta siya sa level na mag-aasawa ako, iniisip ko na 'yung marriage. Saka possible na 'yung mga love scenes, ganoon. Iniisip ko na 'yung future and 'yung family ko. Ganoon kalalalim na bagay".