advertisement
Celebrity Life

TRIVIA: Interesting facts about actress Jo Berry

1 of 20

Jo Berry

Si Josephine Bibit Berry, o kilala sa kanyang screen name na Jo Berry, ay ipinanganak na may dwarfism. Isinilang siya noong February 9, 1994.

2 of 20

Father

Tulad ni Jo, ang kanyang ama na si Perry Berry Sr. ay isang "little person," ang politically correct term para sa mga taong less than average ang tangkad.

3 of 20

Mother

Samantala, ang kanyang ina na si Romilyn Berry ay average ang tangkad.

advertisement
4 of 20

Siblings

Bunso si Jo sa apat na magkakapatid. Bukod kay Jo, ang kanyang kuya na si Perry Berry Jr. ay isa ring little person habang ang dalawa pa niyang kapatid ay of average height.

5 of 20

College

Minsan niyang pinangarap maging abogado pero Computer Science ang kinuhang kurso noong college dahil ito ang in-demand noong panahong iyon.

6 of 20

Office

Bago naging aktres, nagtrabaho si Jo sa isang BPO o business process outsourcing company.

advertisement
7 of 20

Magpakailanman

Unang proyekto ni Jo sa GMA ay ang 2016 episode ng 'Magpakailanman' na "My Little Wife" kung saan nakapareha niya sina Hiro Peralta at Jay Manalo.

8 of 20

Onanay

Dahil sa mahusay niyang pagganap sa episode kahit wala siyang prior acting experience, ini-offer sa kanya ang primetime series na 'Onanay.'

9 of 20

Mikee and Kate

Deciding factor daw para kay Jo ang 'Onanay' co-stars na sina Mikee Quintos at Kate Valdez dahil fan siya ng 2016 remake/sequel ng iconic GMA telefantasya na 'Encantadia' at nais makatrabaho ang dalawa.

advertisement
10 of 20

Career

Matapos ang matagumpay na run ng 'Onanay,' sunud sunod naman ang guestings ni Jo sa mga programang tulad ng Dear Uge, Daig Kayo ng Lola Ko, Wish Ko Lang at marami pang iba.

11 of 20

Manager

Ang kanyang kuya Perry ang nagsilbing manager ni Jo at laging sumasama sa kanya sa tapings at iba pang showbiz commitments. Sa kasamaang palad, pumanaw ito noong 2021 dahil sa COVID-19, gayundin ang ama at lolo ni Jo.

12 of 20

Goal

Ang isa daw sa kanyang goals ngayon ay ang maibili ng bahay ang kanyang mga magulang.

advertisement
13 of 20

Clothes

Dahil sa kanyang height, sa teen section daw bumibili ng mga damit si Jo.

14 of 20

Kiko en Lala

Nakabliang si Jo sa movie na 'Kiko en Lala' kasama ang komedyanteng si Tekla, pati mga Kapuso stars na sina Derrick Monasterio at Kim Domingo.

15 of 20

The Gift

Napanood din si Jo sa GMA Telebabad series na 'The Gift' kung saan nakatrabaho niya si Asia's Multimedia Star Alden Richards na isa sa kanyang mga idolo.

advertisement
16 of 20

Little Princess

Malayo sa kanyang roles sa kanyang past series, dalaga si Jo sa kasalukuyang pinagbibidahang afternoon series na 'Little Princess.' Dito ay magiging tagapagmana siya ng isang malaking kumpanya matapos mabunyag na anak siya ng CEO nito.

17 of 20

Class president

Mapa-TV man o personal na buhay, dati nang leader si Jo. Ayon sa dokumentaryo ni Howie Severino para sa 'I-Witness,' laging class president si Jo noong high school dahil sa kakayahan niyang mamuno sa kabila ng kondisyon.

18 of 20

Confident

Sa katunayan, hindi naramdaman ni Jo na iba siya sa kanyang mga kaklase. Naintindihan niya agad ang kanyang kondisyon noong bata pa lang siya dahil aware siya sa kanilang sitwasyon ng kanyang Papa at kuya.

advertisement
19 of 20

Work

Binalak ni Jo na bumalik sa BPO noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic hanggang sa in-offer sa kanya ang lead role para sa 'Little Princess.' Nag-taping ang serye noong last quarter ng 2021.

20 of 20

Escape

Tatlo sa kanyang mga mahal sa buhay ang binawian ng buhay sanhi ng COVID-19. Noong panahong iyon, magsisimula na ang taping para sa 'Little Princess.' Pero kahit na nagluluksa, tinuloy ni Jo ang proyekto na aniya'y "takas" niya sa bangungot na dumating sa kanyang buhay. Huling habilin rin ng ama ni Jo na ituloy niya ang kanyang "laro" sa showbiz.