Celebrity Life

The Pacmom is in love!

By CHERRY SUN



Masayang-masaya ngayon si Mommy Dionisia Pacquiao sa pag-aming mayroong nagpapatibok muli ng kanyang puso.

Ngayong buwan ay ang 6th monthsary niya at ng kanyang nobyong si Michael. Mahigit 20 years man ang kanyang tanda sa kanyang 40-year-old honey ay “very much in love” naman sila.

“’Yun lang nakapagdagdag [ng] pagbata sa akin, sa aking mukha,” kwento ni Mommy D sa panayam ng Unang Hirit.

Aminado rin si PacMom na tutol ang kanyang anak na si boxing champion at Saranggani Rep. Manny Pacquiao. Gayunpaman, puso pa rin niya ang masusunod.

Sa simbahan na kaya ang tuloy ng kanilang pag-iibigan?

“Wala pa kaming plano. Wala pa kaming plan, ang importante nag-e-enjoy kaming dalawa. Minahal niya ako, minahal ko rin siya”, saad nito.