Celebrity Life

Enzo Pineda on Louise delos Reyes: “I just want to move on”

By ANN CHARMAINE AQUINO

Matagal nang hiwalay ang Kapuso stars na sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes pero hanggang ngayon hindi pa rin natatapos ang issues na umiikot sa dating magkasintahan.

Sa isang panayam kay Enzo, marami ang nagtanong kung nakamove-on na ba ito mula sa break up nila ni Louise. Marami rin ang nagtatanong kung nakapag-usap na ba ang dalawa matapos ang kanilang kontrobersyal na paghihiwalay.

“Siguro po, wala na kasing dapat na pag-usapan kasi ang tagal na nun e,” matapang na pahayag ni Enzo.

Saad niya, “Tapos na 'yun e. 3 or 4 or 5 months na ata siya [ang break up namin]. I guess siguro, it's time for everyone to move on na rin”.

Dahil nada-drag ang pangalan ni Aljur Abrenica sa usaping ito, naniniwala kaya si Enzo na may relasyon o nagkaroon sila ng relasyon ni Louise?

“'Di ko alam e. Siguro tanungin na lang po ninyo sila,” matipid na sagot ni Enzo.

Inalam rin ng members of the press kung may chance pa bang maging magkaibigan sina Louise at Enzo. Saad niya, “Para sa akin, in time. It will [happen] naman. We're in the same network and everything. Kahit magkatrabaho kami, okay lang naman 'yun. Kasi parang, I guess, siguro kahit ako, hindi rin naman ako perfect. It takes time to heal everything”.

Napabalita rin noon na ilang beses na naghiwalay at nagkabalikan sina Louise at Enzo, ngunit sa pagkakataong ito, wala na umanong balikang magaganap.

“Siguro para sa akin, hindi na, hindi na,” pahayag ni Enzo.

Dagdag ni Enzo, “I just want to move on and siguro explore life more. Aminado din ako na I was too young, na tingin ko, 'yung relationship is everything to me. So, parang sabi ko, ang dami kong responsibility in work, ‘tsaka na 'yun, kasi marami pa akong kailangang patunayan e. So, kung may napatunayan na ako, siguro baka puwede na rin ako magkaroon ng someone exclusive”.