Celebrity Life

Royal Couple, ikakasal bago matapos ang taon

By SAMANTHA PORTILLO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Kasalukuyang nasa Cebu ngayon ang bagong engage na si Marian Rivera kung saan nag-au-auction siya ng mga damit upang makakalap ng pondo para sa kanyang Kapuso Adopt-a-Bangka project.

Nakausap siya live ng 24 Oras anchors na sina Mike Enriquez at Mel Tiangco tungkol sa mga detalye ng kanyang kasal kay Primetime King Dingdong Dantes.

Narito ang mga ibinahagi ng Primetime Queen sa kanila:

May petsa na ba ang kasal?
“Wala pa po, pero katulad ng sabi ni Dong, hindi po matatapos ang taon na ito, ikakasal po kami.”

Kaya bang maghanda ng isang bonggang bonggang wedding para sa Royal Couple?
“Marami pong mga tumutulong sa amin na mga mahal namin sa buhay para po maging posible po iyan.”

Ilang karats ang Harry Winston engagement ring na ibinigay ni Dingdong?
“Ang mahalaga po sa akin ay hindi ‘yung karat, kundi kung ano po ‘yung sinabi ni Dong-- kung gaano niya ako kamahal. Iyon po ang pinahahalagahan ko.”

Anong naramdaman mo habang nagpro-propose si Dingdong?
“Nangyari po kasi ‘yung proposal niya noong 2012 po. Ang ineexpect ko po na mangyayari sa Marian ay mag-aannounce po kami. Hindi ko po lubos maisip na gagawin niya po iyon sa pangalawang pagkakataon bilang nandoon po ‘yung pamilya ko, ‘yung pamilya niya at ‘yung mga fans po namin na nagmamahal sa amin. So talaga pong gulat na gulat ako sa ginawa niya at masasabi ko pong napakasuwerte ko na siya ang magiging asawa ko.”

Napag-usapan na ba nina Marian at Dingdong ang motif, venue at iba pang detalye ng kasal?
“Meron po, marami po, pero magkakaroon po kami ng announcement at formal po na press con para po masabi namin sa mga nagmamahal sa amin ‘yung mga detalye po namin tungkol sa wedding.”

Kasama na rin ba doon ang pag-anunsyo nila kung sino ang mga ninong at ninang?
“Meron na po kami. Siguro po, baka po masabi din po namin.”

Noong proposal, may nakita ba si Marian na senyales ng pagiging emosyonal ni Dingdong?
“Ganyan po talaga ‘yan (Dong). Kasi po iba talaga ‘yung nangyari. Kasi ang alam ko po talaga ay mag-aannounce lang kami. Sabi ko po talaga, hindi ko rin po alam kung paano magrereact.

Magkakaroon ng press conference ngayong Biyernes ang Royal Couple at doon nila ibabahagi ang lahat ng detalye tungkol sa kanilang kasal.