Celebrity Life

Kapuso executives, nagbigay ng mensahe ng pagbati sa Royal Couple

By SAMANTHA PORTILLO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Pinag-uusapan ng lahat ngayon ang live wedding proposal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera sa kanyang dance show na Marian noong August 9. Maging ang mga top executives ng GMA ay natuwa sa balita.

Ang Chairman at CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe L. Gozon ay tuwang-tuwa sa engagement ng Royal Couple.

Aniya, “Dingdong at Marian, kami na inyong mga Kapuso at ako ay nagagalak sa balitang kayo ay lalagay na sa tahimik.”

Ang GMA President at COO na si Gilberto R. Duavit, Jr. naman ay nagbigay ng mensaheng ito: “It is a great source of joy and happiness that you have found happiness with each other.”

Ito naman ang nais iparating ng GMA Entertainment TV Senior Vice-President na si Lilybeth G. Rasonable: “Hi Dong and Yan! Congratulations. Masayang masaya kami para sa inyong dalawa.”

Taong 2012 noong unang nagpropose si Dong kay Yan sa butterfly dome ng MGM sa Macau. Ayon kay Marian, naghanap daw sila ng tamang panahon para i-anunsyo ito sa fans.

Ano ang pakiramdam ni Marian na nag-propose ulit si Dingdong sa kanya sa Marian?

“Masaya. Masaya iyong nangyari talaga sa Marian kasi iyon lang naman ang gusto namin ni Dong, ang mai-share ang happiness namin sa mga nagmamahal sa amin.”

Pagbunyag naman ni Dong, balak nilang magpakasal bago matapos ang taon pero wala pang eksaktong petsa.

Handa na ba silang magka-baby?

“Kung iyan ang ibibigay ng Diyos sa amin, pero kung kami ang tatanungin, siyempre, gusto namin as soon as possible.”