Celebrity Life

Enzo Pineda, naiinggit sa sweetness nina Rocco Nacino at Lovi Poe?

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Isa sa mga showbiz personalities na may matibay na friendship ay sina Enzo Pineda at Rocco Nacino. Nagkakilala ang dalawa nang sila ay mapasali sa GMA show na ‘StarStruck 5’ noong 2009. Dito naging magkalaban ang dalawa para sa pagtupad ng kanilang mga pangarap na maging artista, pero ‘di nagtagal at naging matalik silang magkaibigan.

Isa sa kanilang recent projects kung saan sila magkasama ay ang 'Sunday All Stars'. Dito nakakasama rin ni Enzo ang girlfriend ni Rocco na si Lovi Poe.

Kuwento ni Enzo, masaya siya dahil nakatagpo si Rocco ng taong tunay na magmamahal sa kanya.

“Ang important, happy siya, sobrang sweet nga nila. Nakaka-inggit e,” nakangiting pahayag ni Enzo.

Noong panahon na masaya si Enzo sa kanyang lovelife with Louise delos Reyes, si Rocco naman ang buhay single. Tila bumaliktad ang mga estado nila sa buhay pag-ibig. Patuloy man siyang iniuugnay sa kanyang ex-girlfriend na si Louise delos Reyes, aminado naman si Enzo na gusto niyang mag-move on rito.

Ibinahagi rin nina Rocco at Lovi ang kanilang masayang trip sa Paris kung saan nila ipinahayag ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Paano kaya ito hihigitan ni Enzo kung sakaling kumatok muli ang pagibig sa kanyang puso?

“Sa Ferris Wheel [ko naman dadalhin ang special girl ko], sa Enchanted. (smiles)‘Di naman, ‘di naman,” biro nito.

Pahayag ni Enzo, “mag-iisip naman ako ng malayo, sige”.