
Isa si Sarah Geronimo sa most-admired artists sa Pilipinas.
Sa exclusive interview ng PEP.ph kay Sarah, maayos niyang sinagot ang tanong na kanyang natanggap patungkol sa kapwa niya singers at performers na mas bata sa kanya.
Ayon 35-year-old artist, hindi siya threatened sa mga ito bagkus na-inspire pa siya na mas husayan niya ang kanyang ginagawa.
Pahayag ni Sarah, “Hindi po siya threatened eh, it's inspired.”
Dagdag pa niya. “Inspired and challenged ako kasi personality ko, I want to be effective in my job. 'Yung pera na nilalabas ng tao to see me perform, ayokong sabihin nila na sayang 'yung binayad namin...”
“Kung mayroon pa akong ma-improve sa sarili ko, I'm willing to do it,” pahabol pa niya.
Samantala, minsan na niyang nabanggit sa kanyang previous interviews na hanga siya sa grupong SB19 at BINI.
Related Gallery: Get to know the Nation's Girl Group BINI