
Viral ngayon sa social media ang fun video ng Unang Hirit host na si Matteo Guidicelli kasama ang asawa niyang si Sarah Geronimo.
Sa Instagram, mapapanood sa bagong post ni Sarah na game na game na nakisayaw sa kanya si Matteo sa saliw ng bagong kanta ng una, ang "Kasa-Kasama."
Sweet na sweet na caption ni Sarah sa kanilang dance video, “Kasa kasama with my #PartnerForLife.”
Sa kasalukuyan, mayroon nang 50,286 ang video nila na mapapanood sa kanilang respective Instagram accounts.
Matapos i-upload ang video, mabilis na humakot ng views, likes, at comments ang tila dance collaboration ng celebrity couple.
Ayon sa ilang netizens, tila nalito raw sila kung sino ang may tamang dance steps sa video, kay Sarah ba? O kay Matteo?
Sabi pa ng ilan, cute na cute ang dalawa at tila nasa isang concert sila habang sumasayaw.
Related: Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo celebrate 10 years of togetherness
Bago ang viral video na ito, minsan na ring naaliw ang followers ni Matteo nang samahan niya si Sarah sa isang dance class.
Panoorin dito:
Abangan si Matteo sa full action series na Black Rider, na unang serye niya sa GMA Network.