Celebrity Life

Three facts about Rap and Renz Fernandez

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Nakipagkulitan ang magkapatid na sina Rap at Renz Fernandez kay Aling Maliit noong nag-guest sila sa The Ryzza Mae Show noong nakaraang linggo.
 
Ang madalas tahimik at mukhang seryosong mga anak nina Lorna Tolentino at ang yumaong si Rudy Fernandez ay nagpakita ng kanilang kakulitan at nagkuwento tungkol sa kanilang buhay showbiz.
 
Narito ang tatlong bagay na nalaman ng mga Dabarkads tungkol sa magkapatid:
 
1. Ang peg nila sa acting ay si L.T.
 
Hindi na sila lumayo nang sila’y namili kung sino ang gusto nilang tularan sa showbiz. Kinuwento ng magkapatid na si Lorna Tolentino, ang award-winning na aktres at kanilang ina ay ang paborito nilang aktres.
 
“’Di pa kami kasing galing ni Mama… pero sana dumating din kami dun,” sabi ng mas nakababatang si Renz.
 
2. Gusto nilang mag-portray ng action roles.
 
Dahil sa inspirasyon na binigay sa kanila ng kanilang ama na si Rudy Fernandez, pangarap nina Rap at Renz na maging action stars.
 
“Yung tatay namin, action star 'yun eh. Eh idol ko 'yung tatay ko kaya gusto ko rin 'yun kung nabigyan ng oportunidad,” kuwento ni Renz.
 
Marami silang natutunan mula sa kanilang ama, tulad ng pagiging mahusay na action star. “Tinuruan niya kaming (kunyari) bumaril, makipagsuntukan (at) mag-exercise,” dagdag ni Rap.
 
3. Napamahal na sila sa showbiz.
 
Bata pa lamang ang dalawa nang makita nila sa telebisyon at pelikula ang kanilang mga magulang. Ngayong sinusubukan na nila ang mundo ng showbiz, nag-e-enjoy sila at napapamahal na sa industriya.
 
Dahil sa kanilang dedikasyon sa industriyang mahalaga para sa kanilang mga magulang, ginagawa nila ang kanilang makakaya para maging magagaling dito. Sa katunayan ay may pinaghahandaang teleserye si Rap kung saan kailangan niyang magpatubo ng bigote.
 
“Nag-pe-prepare ako para sa role sa teleserye… Rebelde (ako dun). Sabi sa ‘kin nung director 'wag ko na muna alisin (ang bigote) hanggang mag-shooting na,” aniya.