Para sa ilang isang karangalan ang masabihang kamukha ng isang artista. Madalas ay proud pang ipino-post ng mga ordinaryong tao ang mga larawan nilang may pagkakahawig sa isang celebrity.
Tingnan ang ilan sa mga ito na naging trending online at talagang di naman maipagkakaila ang pagkakahawig.
Nitong nakaraang Valentine's Day, ibinahagi ni Derek Ramsay ang post ng isang Instagram user na nagpa-picture katabi ng poster ng aktor para sa donut brand na kanyang ini-endorso. Magkahawig naman, di ba?
Agad na nag-trend sa social media ang look-alike ni Jericho Rosales na si Junrey Baug.
'Di mo kami maloloko, Pia Wurtzbach!
Nag-BEBOT ka na naman, Dabarkads Ryan Agoncillo! 'Di mo kami maloloko!
Nag-disguise ka pa! 'Wag kami, John Lloyd Cruz!
Kahit mag-shave ka ulit, 'di mo kami maloloko, Lloydie!
Muntik na kami malito! Ang 'Prima Donnas' stars na sina Althea Ablan at Sofia Pablo, ka-look-alike sina Darren Espanto at Bimby Aquino!
Aba, sumasali ka na sa singing contest ngayon! 'Di mo kami maloloko, Barbie Forteza!
Dati, “Listen” ka lang! Ngayon may pa-“Listen, look and listen, and learn” ka pa d'yan! 'Wag kami, Jake Zyrus!
Ang dami mo nang exposure sa YouTube! 'Wag kami, Mikey Bustos!
Mahahanap ka rin ng mga Kree! 'Di mo kami maloloko, Captain Marvel!
Nangampanya ka na naman! Mar Roxas, 'di mo kami maloloko!