GMA Logo Chariz Solomon
Celebrity Life

Chariz Solomon, nagbigay ng payo sa kapwa niya mga nanay

By EJ Chua
Published August 8, 2024 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Inuman sa labas ng mga bahay at maiingay na muffler ng mga motor, ipinagbabawal sa Tondo
Firecrackers hurt 46 in W. Visayas, Negros Island
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Chariz Solomon


Game na game na nakiisa si Chariz Solomon sa isang wellness event para sa kanyang fellow moms.

Kamakailan lang, dumalo si Chariz Solomon sa isang event na handog para sa mga nanay.

Sa “Chika Minute” report na ipinalabas sa 24 Oras nitong August 7, ipinasilip ang ilang clips ni Chariz habang siya ay nasa naturang event.

Dito ay nagbahagi ang Kapuso comedian at Bubble Gang star ng kanyang real-life experiences bilang isang ina.

Nagbigay rin siya ng payo para sa kanyang fellow moms kung paano i-handle ang stress bilang isang magulang.

Ayon sa Kapuso mom, hindi talaga madali ang papel ng isang ina, pero masarap at fulfilling.

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

Samantala, si Chariz ay itinuturing ng marami na isang supermom.

Siya ay kilalang cool at hands-on mom sa kanyang tatlong anak na lalaki na sina Apollo James, Ali Joakim, at Andreas Manolo.

Sa kanyang social media accounts, kapansin-pansin na labis na na-e-enjoy ni Chariz ang kanyang buhay hindi lang bilang artista kundi pati ang pagiging ina.

RELATED GALLERY: Chariz Solomon's mommy moments with her sons