Celebrity Life

Kapuso Celebs verdict on Miguel Tanfelix: Passionate, magaling, intelligent

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Binisita ni Rhea Santos si Miguel Tanfelix sa taping ng kanyang first title role soap na Niño. Dito ay nasaksihan ng Tunay na Buhay host kung gaano ka-busy ang batang aktor sa kanyang mga eksena sa Telebabad show.

Nakapanayam din ng Tunay na Buhay ang ilang co-stars ni Miguel sa Niño at ang mga nakatrabaho niya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz. Ito ang kanilang masasabi tungkol sa batang aktor.

Bea Binene
Sabay pumasok sina Bea at Miguel sa showbiz nang sumali nila sa StarStruck Kids sa murang edad.

“Si Miguel may awards dati sa StarStruck Kids, parang best in acting yata siya or singing. Passionate talaga siya sa pagsayaw at pag-arte,” ani Bea.

Aubrey Carampel
Saksi ang GMA News showbiz reporter na si Aubrey Carampel sa paglaki ni Miguel.

“Noong pagbalik niya, binata na siya. Ang pogi niya! Tapos naroon pa rin 'yung acting, napakagaling pa rin. So talagang alam mo na malayo 'yung mararating ng bata,” pahayag ni Aubrey.

Neil Ryan Sese
Si Neil Ryan Sese o mas kilala bilang Taytay ang tumatayong ama ni Miguel sa Niño.

“Si Miguel, mabait na bata ito. Boto ako rito. (laughs). Sobrang galing niya. Kapag kaeksena ko siya, pinapanood ko siya talaga tapos pinapakinggan ko talaga 'yung mga sinasabi niya saka ginagawa niya,” saad ni Neil.

Direk Maryo J. delos Reyes
Dalawa ang role ni Direk Maryo J. delos Reyes ngayon sa buhay ni Miguel: talent manager at direktor.

“He's very intelligent and very receptive. Nararamdaman niya at naiintindihan niya ang importansiya ng direction at saka ng comments,” anang direktor.