Celebrity Life

Joyce Ching misses her best friend Barbie Forteza

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Nabuo ang pagkakaibigan nina Joyce Ching at Barbie Forteza nang magkatrabaho sila sa Reel Love Presents: Tween Hearts. Mula noon, maraming proyekto pa ang kanilang pinagsamahan kaya’t lalong naging close ang dalawa.

Ilan sa mga ito ang Ikaw Lang Ang Mamahalin, Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa at ang huling show na pinagsamahan ng dalawa na Anna KarenNina.

Mag-iisang taon na mula nang matapos ang Anna KarenNina kaya ayon kay Joyce, miss na miss niya na raw si Barbie. Kuwento pa niya, lalo siyang nalungkot nang malaman niyang makakasama niya ang ilang Tweens sa kanyang next project na wala si Barbie.

Nang ma-interview ng GMANetwork.com si Barbie bago ang kanyang birthday last month, sinabi ng aktres na wish niya raw na magkaroon ng Tween Hearts Season 2.

Natupad na yata ang hiling ni Barbie dahil sa muling pagkakataon ay magsasama ang Tweens na sina Bea Binene, Jake Vargas, Kim Rodriguez at Joyce sa isang Telebabad soap. ‘Yun nga lang, ang mismong nag-wish ay hindi kabilang sa cast dahil busy pa siya sa The Half Sisters.

“Actually wish po talaga naming lahat [na magkaroon ulit ng Tween Hearts],” pahayag ni Joyce

Dagdag niya, “Pero 'yon, nakakalungkot kasi wala si Barbie bilang best friends kami. Mas masaya sana kung narito siya or kung lahat talaga ng Tweens from Tween Hearts [ay] magkakasama. Mas okay sana, mas enjoy.”