Celebrity Life

Mona Louise Rey finds inspiration to dub 'Miracle in Cell No. 7' from 'My Love from the Star'

By EUNICIA MEDIODIA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Ang Korean hit movie na Miracle in Cell No. 7 ay inaabangan na ng marami na mapanood sa GMA. Ilang Kapuso stars ang magbibigay boses sa Korean characters ng pelikula.

Ang MY BFF star na si Mona Louise Rey ang nag-dub sa character ni Ye Sung, ang batang bida at may amang mentally challenged.

Magkahalong saya at excitement ang naramdaman ni Mona nang malamang siya ang magbibigay-boses sa karakter ni Ye Sung.

“Noong una ko po nalaman, sobrang happy ko. Sobrang excited ko po! ‘Talaga? Magda-dub ako ng Korean’,” ang hindi niya makapaniwalang reaksyon.

Natuwa raw siya dahil gusto niya rin ma-try ang pagda-dub katulad ng sa My Love from the Star.

“’Yung sa My Love from the Star, hangang-hanga po ako kasi ang galing [nang pagka-dub]. Pinanood ko sa Korean, pareho ang boses nila. Ang galing nang nag-dub, sobra!” buong paghanga niyang sinabi.

Ang Dading star naman na si Gabby Eigenmann ang gaganap bilang si Lee Yong Gu – ang ama ni Ye Sung.

Hindi raw magkasabay na nag-dub ang dalawa, “Nauna po siya sa akin. Sumunod po ako,” sabi ng young star.

Ano naman kaya ang favorite scene niya sa Miracle in Cell No. 7?

“’Yung nakita po ng tatay na bibitayin siya. ‘Yung nagpapaalam na siya,” pagbahagi niya.

Ano naman ang kanyang natutunan sa palabas?

“Love po sa family. [Kahit] kulang sa pag-iisip ang tatay, ginawa niya ang lahat para sa anak dahil sobrang mahal niya,” pagtatapos niya.