Celebrity Life

Nadia Montenegro sa mga kapatid ni Baron Geisler, 'I've always been good friends with them'

By Kristine Kang
Published August 22, 2024 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries at 57; majority of victims aged 19 and below —DOH
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law
Marian Rivera's family is in designer outfits for their Christmas photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News

nadia montenegro


Sa kabila ng mga usap-usapan sa pagitan nina Nadia Montenegro at Baron Geisler, nanatiling maayos pa rin ang relasyon ng aktres sa mga kapatid ng aktor.

Marami ang naintriga sa naging rebelasyon ni Nadia Montenegro na ang tunay na estado ng relasyon at pagkakaugnay ng anak niyang si Sophia Asistio sa ama niyang si Baron Geisler.

Dahil dito, may ilang mga nagtataka kung kumusta ang relasyon ng dalawang showbiz personalities sa kani-kanilang pamilya.

Sa isang panayam ni Julius Babao, nilinaw ni Nadia na maayos pakikipagkaibigan niya sa pamilya ng aktor sa kabila ng mga usap-usapan.

"I've always kept their relationship with them for a good reason. So, I've always been good friends with them wala naman kaming mga ano," paliwanag niya.

Inamin ni Nadia na matagal na silang hindi nakakapag-usap dahil sa mga pangyayari tulad ng pandemya. Kaya't masaya siyang makita ulit ang mga ito sa kaarawan ng kanyang anak.

"But ayun nga, dahil sa mga bagay-bagay, hindi kami masyadong nakapag-usap [like] pandemic and all. Ngayon lang nagkita-kita," sabi niya.

Kamakailan lamang, ipinagdiwang ni Sophia ang kanyang ika-18 na kaarawan sa Celebrity Sports Plaza, Quezon City. Dumalo rito ang ilan sa mga kamag-anak ni Baron.

Nang tanungin si Nadia kung nasaan si Baron, simpleng sagot niya, "Hindi ko alam sa anak ko [na si Sophia]."

Sa isang Instagram story, nag-post si Baron ng birthday video greeting na may kasamang flying kiss. Sabi niya, "Hey, you, I just wanna greet you a happy birthday.” Kahit hindi niya tinukoy ang pangalan, maraming tao ang humula na si Sophia ang tinutukoy ng aktor.

Noong July 2024, inamin ni Nadia sa Fast Talk with Boy Abunda na si Sophia at Baron ay mag-ama. Nilinaw ng aktres na ginawa niya ito upang tapusin ang mga tsismis at fake news na umiikot sa social media.

"Sophia is turning 18 in August and that's why I'm here, it's not for views, not to trend because that's one thing I hate, but to put an exclamation to everything," paliwanag niya.

Ang pag-amin ni Nadia ay sumunod sa pagbunyag ni Baron na siya ay may anak sa labas. Hindi binanggit noon ng aktor kung sino ang nanay ngunit aniya, hindi niya nasubaybayan ang paglaki nito. Nagkita lamang umano sila nang mag-reach out siya sa social media.

Panoorin ang video tungkol dito sa itaas.

Samantala, balikan ang kuwento ni Nadia Montenegro tungkol sa kanyang career at relasyon kay Boy Asistio, sa gallery na ito: