GMA Logo Carlos Yulo
Celebrity Life

Carlos Yulo, unang na-curious sa breakdancing noong bata bago ang gymnastics

By Aimee Anoc
Published August 22, 2024 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pasig River Esplanade ready in 10 days — Liza Marcos
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Carlos Yulo


"Uso po before 'yung breakdancing po sa mga piyesta-piyesta, 'yung mga nagta-tumbling po... Doon kami nagta-try hanggang sa matuto po kami ng mga basic." - Carlos Yulo

Pitong taon lamang noon ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo nang unang magka-interest sa gymnastics. Pero bago pa man ang gymnastics ay una na siyang na-curious sa breakdancing.

"Uso po before 'yung breakdancing po sa mga piyesta piyesta, 'yung mga nagta-tumbling po," kuwento ni Carlos sa exclusive interview ni Pia Arcangel ng GMA Integrated News.

"So kami po ng mga pinsan ko, kaibigan parang nag-try po kami sa playground sa tapat po ng Manila Zoo. And then, palagi kaming dinadala po roon ng lolo ko po. Doon kami nagta-try hanggang sa matuto po kami ng mga basic," dagdag niya.

Nang tanungin kung nasubukan ba niyang sumali sa breakdancing, sagot ni Carlos, "Hindi po. 'Yung mga stunts po 'yung gusto kong matutunan."

RELATED GALLERY: Meet Carlos Yulo, the Philippines' two-time Olympic gold medalist

Ayon kay Carlos, 2012 nang pangarapin niyang maging isang atleta matapos na makapanood ng professional gymnastics.

"Noong 2012 po kasi first time kong makapanood ng Olympics. And then, doon po talaga ako na, sabi ko, 'Gusto ko rin maging kagaya nila, mag-compete sa ganitong level, and syempre makakuha po ng gold medal.' Doon po talaga nag-start akong mangarap," sabi ni Carlos.

Sa pagsali sa local gym, nakita si Carlos ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president na si Cynthia Carrion.

"When I met him, of course, he just wanted to learn to tumble tumble. But, when I see him I could see the passion in his eyes and he doesn't even have a coach," sabi ni Cynthia.

Pagpapatuloy niya, "So, I asked him to join the Batang Pinoy, he was 12 years and under and he has no coach, and he won medals," dagdag niya.

Para mas mahasa pa ang likas na talento at galing ni Carlos, binigyan siya ni Cynthia ng coach, ang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya.