Celebrity Life

Louise delos Reyes, the next Angel Locsin?

BY AEDRIANNE ACAR



Malaki ang naiambag ng GMA-7 fantaserye na Mulawin sa Philippine television. 
Halos isang dekada matapos mapanood ng mga Pinoy ang kuwento nila Alwina at Agiluz, masasabi na isa ito sa pinakamatagumpay na TV project ng Kapuso Network.

Bukod pa diyan naging breakthrough project ito para sa former Kapuso talent na si Angel Locsin para sumikat at makilala as one of the hottest female celebrities. Sunod-sunod na projects din ang ginawa niya sa GMA-7 tulad na lang ng Majika at siyempre ang Mars Ravelos’ classic na Darna na mga action packed TV series.

Kaya naman hindi nakakagulat na gustong sundan ni former Kambal Sirena star Louise delos Reyes ang naging career path ni Angel kung saka-sakali.

Kuwento niya sa GMANetwork.com, minsan daw ay nakasabay niyang mag-gym si GMA anchor Kara David at sinabi nito na puwede daw siyang maging female action star tulad ni Angel Locsin.

“Share ko lang kasi nakasama ko sa gym si Ms. Kara David tapos nasabi lang niya sa akin habang nagco-cool down kami parehas na wala nang action star na babae ngayon. Ang pinakahuli natin siyempre 'di ba si Angel Locsin na wala na din sa GMA."

Ayon daw sa sikat na Kapuso reporter/host, “parang so far wala pang ganung babae and I see you as like that."

"Nakikita niya na ganun ako, ganun 'yung built ko, ganun ako gumalaw,” ang kuwento pa ni Louise.

Dagdag pa ng Kapuso actress, pangarap niya na mabigyan ng projects tulad ng Asian Treasures, kung saan bumida din si Angel at Robin Padilla, dahil palaban talaga siya at walang inuurungan.

“[Isa] sa mga dreams ko na sana magkaroon ako ng parang physical na [project], kunwari combat ganyan, action talaga, na parang 'yung Asian Treasures before,”ang naging pahayag ng aktres.