
Makikita ngayon sa social media ang posts ng ilang netizens tungkol sa ginawang pagtulong ni Pokwang para sa mga naapektuhan ng Bagyong Enteng.
Namahagi siya ng bigas at iba pang relief goods na ang ilan ay siya pa mismo ang nagbuhat at nag-ayos.
Ayon sa video na inupload ng isang netizen, 150 bags ng groceries at 150 bags ng bigas ang ipinamahagi ni Pokwang para sa ilang residente sa Antipolo, Rizal.
Sa Instagram Stories, ipinasilip naman ng Kapuso host ang ilang naging kaganapan bago nila ipinamahagi ang relief goods.
Kasunod nito, marami ang talaga namang humanga sa kabutihang loob na kanyang ipinakita para sa kapwa niya mga Pinoy.
Matatandaan na nito lamang July 2024, nakiisa si Pokwang sa pagbabahagi ng tulong para naman sa mga naapektuhan ng Bagyong Carina.
LOOK: Pokwang and Malia's sweetest mother-and-daughter moments
Samantala, kasalukuyang napapanood si Pokwang sa one-of-a-kind countdown variety show na TiktoClock.
Kasama niya sa naturang show sina Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, at Jayson Gainza.