
Bukod sa pagiging magaling na actor, kilala rin si Sparkle star Rocco Nacino bilang isa sa mga celebrities na nag-aral ng martial arts. Katunayan, nagtuturo siya ngayon ng Jiu-Jitsu sa mga kabataan sa sarili niyang gym sa Antipolo.
Pero paano nga ba nagsimula sa martial arts si Rocco?
Sa naganap na contract signing niya sa mixed martial arts promoter na Zeus Combat League nitong September 11, kinuwento ni Rocco na nagsimula siyang mag-aral ng martial arts discipline nu'ng pumapasok pa lang siya ng college.
“Nu'ng time na 'yun nagko-commute lang ako e. Bilang praning na tao, sinasabi ko sa sarili ko, anyitme pwedeng may mangyari sa'kin. I wanted to be well-equipped,” sabi niya.
Nag-aral muna siya ng Wing Chun, Muay Thai, Boxing, at Kali, bago siya tuluyang na-in love sa Jiu-Jitsu.
“Brazilian Jiu-Jitsu is a sport where you take the fight to the ground and subdue your opponent and if in any case need be, pwede mong patulugin, you can break the arm or anything just to protect yourself,” sabi ni Rocco.
Pagpapatuloy pa ng aktor, “And I fell in love more than anything with the sport. Kasi nu'ng nag-start ako mag-aral ng different kinds of fighting systems, it was mainly to protect myself. I want to be careful, I want to be safe on the streets. Pero ito, nagtuloy-tuloy ako, went on to continue training, and then now I'm proud to say that I'm a third-degree brown belt sa Jiu-Jitsu.”
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAG-ARAL NG MARTIAL ARTS SA GALLERY NA ITO:
Masaya rin umano ang aktor na dahil sa kaniyang sport ay natuturuan na rin niya ang mga bata tungkol sa humility, at kung paano iiwasan ang mga away.
“Tinuturuan ko sila kung papaano mag-say no when people start to bully them and only resorting 'yung alam nila sa Jiu-Jitsu if they only have to,” sabi niya.
Kuwento ng aktor, sinimulan niya ang kaniyang Jiu-Jitsu school bilang isang passion project at kawang-gawa pagkatapos ng pandemic. Ito ay paraan din para makaiwas ang mga kabataan sa paggamit ng gadgets at sa halip ay maka-interact ang ibang mga bata.