GMA Logo Kim de los Santos
Source: kimnicole727/IG
Celebrity Life

Kim de los Santos, nanatiling single ng pitong taon para mas makilala ang sarili

By Kristian Eric Javier
Published October 2, 2024 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Kim de los Santos


Alamin kung paano hinarap ni Kim de los Santos ang mga pagsubok ng mag-isa.

Marami ang nagulat sa hiwalayan ng '90s celebrity couple na sina Kim de los Santos at Dino Gueverra, na nasundan ng agarang pag-alis ni Kim sa showbiz at paglipad papuntang Amerika. Ayon sa aktres, nagkaroon pa siya ng relationship ng 10 taon. Ngunit simula nang maghiwalay sila ay nanatili na siyang single sa loob ng pitong taon.

Sa panayam sa kaniya ng online entertainment show na Marites University, ikinuwento rin ni Kim ang tungkol sa hiwalayan, at kalaunan pati na rin ang annulment nila ni Dino kung saan nakasaad na rason ng kanilang paghihiwalay ay psychological problems umano ni Kim.

Saad ni Kim kung bakit niya tinanggap ang mga paratang na ganu'n sa kaniya, “Kapag secure ka sa sarili mo at alam mo kung ano ka, and just because I want it done, you can say whatever you wanna say about me matapos lang.”

Naging malaking tulong din umano kay Kim de los Santos ang kaniyang kagustuhan na mag-grow at matupad ang pangarap na maging isang nurse sa ibang bansa. Kamakailan lang ay naipasa na niya ang board exams para maging psychiatric health nurse, at inaantay na lang ang kaniyang lisensya.

Pag-amin ng aktres, nakatulong ang kaniyang pag-aaral para mapadali ang pinagdadaanan niya noon na depression at mas makilala ang sarili.

“It helps you understand yourself. 'Yung pinagdadaanan mo like depression, anxiety, lahat tayo dumadaan du'n e. We all have that secretly, meron tayong mga ganiyan. It's how you cope with it,” sabi ng dating aktres.

BALIKAN ANG ILANG CELEBRITY COUPLES NA NAUWI SA ANNULMENT ANG KASAL SA GALLERY NA ITO:

Pag-amin pa ni Kim ay hindi siya sumubok ng medisina para sa kaniyang depression dahil para sa kaniya ay bandaid lamang ito at hindi makakatulong para tuluyan siyang maghilom.

Paliwanag ng dating aktres, “You have to deal with the inner issues, usually starts from childhood 'yun.”

Nilinaw rin ni Kim na wala siyang love life noong mga panahon na iyon para tulungan siya makayanan ang mga pinagdaanan niyang pagsubok.

“I stayed single. In order for you to understand yourself, be by yourself,” paliwanag ni Kim.

Pagpapatuloy ng dating aktres, “What happened after ng relationship ko kay Dino, I've been with two men, halos half of my life, before ako nag-single. So I was with Dino for seven years, and then with my fiance for 11 years. And then after that, sabi ko, 'Enough.' There might be something, fix me.”

Pag-amin ni Kim, ngayon na “fixed” na siya ay naging mas mapili na rin siya sa taong makakarelasyon niya. Dahil dito, sinabi ng dating aktres na ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang susunod na makakarelasyon niya.

Nilinaw rin ni Kim na pinagdarasal din niya ang bagong relationship, “Kaya sa ngayon, bahala na si Lord kasi at this point, gusto ko si Lord na mag-choose for me.”