Celebrity Life

Barbie Forteza, excited sa reunion ng Tweens sa 'Strawberry Lane'

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Hindi man nakasama sa Strawberry Lane cast si Barbie Forteza, excited pa rin daw ang Kapuso actress para sa Tweens na magre-reunion sa upcoming Telebabad soap.

Ang tinutukoy ni Barbie ay ang Tween Hearts co-stars niya noon na sina Bea Binene, Jake Vargas, Kim Rodriguez, Kiko Estrada at ang best friend niyang si Joyce Ching. Pagkatapos kasi ng dalawang taon, muli silang magkakasama-sama sa Strawberry Lane na magsisimula na sa September 15.

Hindi kayang pagsabayin ang dalawang soap kaya’t hindi puwedeng makasama si Barbie sa bagong show. Mayroon pa kasi siyang The Half Sisters na nangunguna sa ratings ng GMA Afternoon Prime block.

“Nakakatuwa kasi sa Sunday All Stars, lagi kong nakakasama si Bea. Tapos sa tuwing napag-uusapan 'yon na sila-sila ang magakakasama, nakakatuwa at nakaka-excite,” pahayag ni Barbie.

Kahit wala si Barbie sa show, nararamdaman niya raw na magkakaroon ng todo bonding ang teen stars. Aniya, “Maraming chickahan na naman doon sigurado. Parang Anna KarenNina, parang ganoon.”

Nang ma-interview namin si Joyce sa pictorial ng Strawberry Lane kamakailan, sinabi niyang masaya siya sa mala-comeback ng Tween Hearts. Pero may halong lungkot siyang nararamdaman dahil hindi nga kabilang si Barbie sa cast.

Ayon kay Barbie, nakarating daw sa kanya ang pahayag ni Joyce. “Oo nga nakakatuwa. Nabalitaan ko nga na 'yon ang sinabi niya. Ang sweet naman,” saad ng The Half Sisters star.