GMA Logo cong tv with pet dog tawki
Celebrity Life

Cong TV mourns death of pet dog Tawki

By Jansen Ramos
Published October 18, 2024 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Donnalyn Bartolome, magpapaalam na sa vlogging: 'That is my gift to myself'
DTI: Damaged roads in Davao Occ. taking heavy toll on MSMEs
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

cong tv with pet dog tawki


Nagluluksa ang YouTuber na si Lincoln Velasquez, o mas kilala bilang Cong TV, sa pagkamatay ng kanyang alagang aso na si 'Tawki.'

Nangungulila ang YouTuber na si Lincoln Velasquez, o mas kilala bilang Cong TV, sa kanyang fur baby na nagngangalang "Tawki" matapos itong pumanaw.

Sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, October 18, nagbigay-pugay si Cong sa kanyang alagang aso na naging bahagi na ng kanilang pamilya, kalakip ang larawan niya kasama si Tawki na kuha mula pa noong 2015.

Sulat ng popular na Pinoy vlogger, "Ikaw nagpaalala sa 'kin ulit tawki gaano kabilis ang oras. One day masaya lang tayong naglalaro sa bahay at [nagba-vlog] sa Cavite tapos sa isang iglap 77 ka na pala sa Dog years at matanda na.

"Thank you sa sa lahat ng sayang naidulot mo sa pamilya natin. Habang buhay ka sa puso namin. I'll miss you and I love you Tawki mahboy!"

A post shared by Cong TV (@thecongtv)

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikiramay sa post ni Cong mula sa netizens, maging sa kanyang kapwa vloggers gaya nina Krissy Achino (Chino Liu) at Donnalyn Bartolome.

"Halaaa! Ang sigla mo pa 'nung isang araw huhuhu. Run free, Tawkiii! 😢💔," komento ng impersonator ni Kris Aquino.

Malungkot na pagbabalik-tanaw ng isa pang netizen, "Tawki!😢 naalala ko pa sya lagi sumasalubong lagi sayo pagkauwi mo sa cavite good old days nung asa cavite ka pa nagvvlog. We will miss u tawki🥺"

Napanood din sa ilang YouTube vlogs ni Cong si Tawki na binigyan niya ng palayaw na "Jaguar."

Bukod kay Cong, marami pang celebrities ang napamahal na sa kanilang mga fur baby. Kilalanin sila at ang kanilang mga alagang hayop sa gallery na ito.