
Kinagigiliwan online ang mala-love team na tambalan ng content creators na sina Nurse Even at Doc Alvin Francisco.
Nakilala si Doc Alvin sa pagbabahagi ng kanyang mga kaalaman tungkol sa kalusugan at iba't ibang sakit ng tao. Samantalang nakilala naman si Nurse Even, na may tunay na pangalan na John Steven Soriano, dahil sa pagse-share niya ng content tungkol sa realidad ng pagiging nurse sa nakakaaliw na paraan at ang kanyang buhay OFW sa United Kingdom.
Dahil parehong nasa medical field, nag-click ang kanilang mga nakaka-good vibes at nakakakilig na hiritan at biruan online kahit pa nasa magkabilang parte ng mundo.
Noong Hunyo, nagkita pa ang dalawa sa UK kung saan nakabase si Nurse Even at naging tour guide pa ni Doc Alvin.
Nito lamang Agosto nang ma-reveal ang tunay na dahilan ng paglipad ni Doc Alvin sa UK. Ginulat ng popular na content creator at doktor ang kanyang followers nang aminin niyang siya ay ikakasal na sa kanyang fiance na si Maki Bondoc, na isang doktor din. Ito ang unang pagkakataon na isinapubliko ni Doc Alvin ang kanyang love life kaya naman tila na-heartbroken ang fans nina Doc Alvin at Nurse Even.
Related gallery: Doc Alvin Francisco and fiancee Maki Bondoc's pre-wedding photos
Sa kanyang recent vlog, inamin ni Nurse Even na naimbitahan siyang dumalo sa kasal nina Doc Alvin at fiancée nito na isa mga dahilan kung bakit siya umuwi ng Pilipinas, bukod sa pagbisita sa kanyang mga kaanak sa probinsya.
Kahapon, November 8, ay naganap ang engrandeng wedding ng couple. Ani Nurse Even, na-touch siya sa pag-imbita sa kanya ni Doc Alvin sa kasal nito kahit pa siya ay nasa UK.
Bagamat married na, tuloy pa rin ang pasaringan at biruan ng dalawang content creators.
Nagpost din si Nurse Even ng ilang larawan mula sa wedding reception ng newlyweds. Biro niya sa caption, "Wag n'yo muna ako biruin ngayon, baka masampal ko kayo bigla."
Samantala, dumalo rin sa kasal ni Doc Alvin ang iba pang content creators gaya nina Cong TV (Lincoln Velasquez), Viy Cortez, Junnie Boy, Krissy Achino (Chino Liu), Vien Iligan, Albert Nicolas, at Dex Macalintal.
TINGNAN ANG ILANG LARAWAN MULA SA KASAL NI DOC ALVIN SA GALLERY NA ITO: