
Break muna sa pagiging terror and meticulous judge ng The Clash ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista.
Dahil aliw na aliw ang mga netizen sa kulit video niya sa Instagram, kung saan nagpapa-autograph siya sa mga kaibigan niyang celebrities ng mga throwback photos nila.
Isa sa biktima, este, nakumbinsi ni Christian ang fellow alumni niya sa singing competition na Star For a Million (2003-2004) na si Erik Santos.
Sa short clip, humingi ng favor si Christian, “I just need your autograph for this?”
Pero laking gulat ni Erik sa kanyang nakita. Sambit nito, “Ano 'to?” Hindi na rin napigilan ng Kapamilya singer na matawa sa kanyang throwback photo.
Muling hirit niya kay Christian, “Ang dami ko naman magagandang photos bakit ito naman ang pinili mo???”
Kahit ang mga kasama niya sa hit Kapuso singing contest na The Clash na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at fellow judges na sina Lani Misalucha at Aiai delas Alas, tawang-tawa sa pinapa-autograph niya.
Source: xtianbautista (IG)
Napapanood ang The Clash 2024 tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA at online via Kapuso Stream.
RELATED CONTENT: OLD ID PHOTOS NG MGA SIKAT