Celebrity Life

Alden Richards, maraming natutuhan sa showbiz

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Excited na si Alden Richards na magsimula ang Bet ng Bayan, kung saan co-host siya ni Regine Velasquez.

Nakaikot na sila sa maraming bahagi ng Pilipinas para sa auditions ng show at aminado ang actor/host na marami siyang napulot na aral sa experiences nya rito. 

Ayon din sa aktor, sinisiguro niya na sa lahat ng kanyang proyekto, marami siyang natutuhan. Halimbawa, tinulungan siya ng Carmela na mas maintindihan ang pag-uugali at pag-iisip ng ibang tao.

“In life, hindi natin maiiwasan na 'yung mga tao sa paligid natin, makakagawa ng something na masama, masakit sa buhay natin, na minsan hindi natin matanggap,” kuwento niya.

Kahit gaano kasama ang ibang tao, hindi pa rin daw dapat maghiganti.

“Yung natutuhan ko sa Carmela, di healthy [ang revenge] kasi pag naghiganti ka, wala naman siyang magandang maidudulot sa 'yo,” dagdag ng Kapuso actor.

Bukod dito, natutuhan niya rin na mas pahalagahan ang kanyang pamilya.

“Your family must be your priority all the time. Kumbaga, before anything else, isipin ninyo muna 'yung kapakanan ng pamilya ninyo bago gumawa ng mga desisyon,” aniya.