Celebrity Life

Louise delos Reyes, napagod sa mundo ng showbiz?

By ANN CHARMAINE AQUINO

Ilang issues ang kinasangkutan ni Louise delos Reyes ngayong taon.

Nariyan ang kanilang paghihiwalay ng kanyang ex-boyfriend na si Enzo Pineda. Bukod dito, napabalita ring buntis ang aktres.

Kuwento ng dalaga, madali naman umano siyang maka-get over sa mga issue.

Aniya, “Kung nagkakaroon man ng intriga, as long as alam ko sa sarili ko na hindi siya naging totoo, bakit ako malulungkot at bakit ko ilulugmok yung sarili ko?”

Pagkatapos ng Kambal Sirena, sunod-sunod na issues ang lumabas tungkol kay Louise kaya minabuti niyong magpunta sa Sagada para magbakasyon.

Kuwento ng dalaga, “’Yung pagpunta ko sa Sagada, siguro it's part of my (effort na) ma-try na away from show business again. Kasi noong hindi pa ako sa showbiz, sobrang simple lang. So noong nag-Sagada ako, parang gusto ko lang na to keep me grounded na tao ka pa rin.”

Kasama umano ni Louise ang kanyang bestfriend na si Louise. Dito, nagkaroon sila ng ilang nakakatuwang activities tulad ng trekking.

“Nakakatuwa lang ‘yung experience na sa Sagada naglalakad lang kami. Kapag may kailangan kami, bibili lang kami sa tindahan. Tapos, locals ‘yung kasama namin. May kasama rin kaming bagong kaibigan from Germany. So parang ang dami-dami kong natutuhan about life,” pahayag ng young actress.

Sa kanyang pagbabakasyon, nagkaroon umano ng realizations si Louise sa kanyang buhay.

“Parang naramdaman ko rin sa sarili ko na I'm not the Louise na nag-start before. Parang alam mo ‘yung napagod ka kahit paano sa sistema ng show business. Parang kailangan mong ma-refresh, kailangan ko talaga para maibalik ko ‘yung drive sa trabaho again. ‘Yung uhaw ko, kumbaga,” pagtatapos niya.