Celebrity Life

Rey PJ Abellana, may mensahe kay Tom Rodriguez

By MICHELLE CALIGAN



"Hindi ko alam kung nanliligaw 'yan sa anak ko. Hindi ko pa 'yan naitatanong sa anak ko. Hindi pa nasasabi sa akin, halos hindi ko pa naririnig na nanliligaw sa anak ko 'yan."

Ito ang naging pahayag ng aktor na si Rey PJ Abellana sa isang exclusive interview with GMANetwork.com nang tanungin siya tungkol sa panliligaw ni Tom Rodriguez sa anak niyang si Carla Abellana.

Kamakailan ay umamin si Tom na nililigawan niya ang kanyang My Destiny leading lady, na una niyang nakatambal sa groundbreaking series na My Husband's Lover.

Sinorpresa naman siya ni Carla ang Don't Lose The Money host sa birthday episode nito noong October 1.

Pero paliwanag ni Rey PJ, na muling mapapanood sa Kapuso network via More Than Words, starring Elmo Magalona and Janine Gutierrez, hindi na niya kailangan pang pakialaman ang love life ng kanyang anak.

"Ako naman, at this point, mature na 'yang anak ko for those kinds of matters. I could say na, on her own, kaya na niya 'yan na desisyunan."

Wala rin daw siyang problema sa loveteam ng dalawa dahil magandang feedback naman ang kanilang natatanggap.

"Positive feedback ang naririnig ko sa team up nila. There's nothing wrong with that kung nag-click 'yung loveteam nila dahil it's working positively. At least maganda 'yung team up nila kaya ayan, binigyan sila ulit ng isang show na silang dalawa [ang magkasama]."

Inamin din ni Rey PJ na hindi pa naipapakilala sa kanya ni Carla si Tom. "Honestly, hindi ko pa 'yang nami-meet si Tom. Personally, hindi ko pa nakikita, ganun. Nakikita ko lang sa TV."

Habang ginagawa namin ang interview ay may taping din si Tom ng Don't Lose The Money sa kabilang studio. Ano kaya ang sasabihin niya sa binata kapag nagkasalubong sila?

"Sige, mag-taping ka lang diyan (laughs). Okay lang, okay lang. As long as walang problema. 'Yun lang naman ang worry ko diyan eh. Kung may problema, siyempre nandiyan din ako. Kung walang problema, then everything is okay."