GMA Logo jak roberto and jackie gonzaga
Photos from Jak Roberto/FB
Celebrity Life

Jak Roberto at Jackie Gonzaga, kinakikiligan: 'Bagay sila'

By Jansen Ramos
Published February 9, 2025 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

jak roberto and jackie gonzaga


Shini-ship ngayon ang Kapuso star na si Jak Roberto at 'It's Showtime' host na si Jackie Gonzaga matapos kiligin ang netizens sa kanilang Facebook reel kung saan sumasayaw sila.

Kinakikiligan ngayon ang viral dance video nina Jak Roberto at Jackie Gonzaga na ipinost ng Kapuso actor sa Facebook noong Sabado, February 8.

Dito mapapanood na sumasayaw sila habang tumutugtog ang Earth, Wind & Fire classic na "Let's Groove." Sa ngayon, mayroon na itong 13.4 million views.

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Sa comments section ng post, marami ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa dalawa.

Sabi pa ng isang Facebook user, "luh bat parang bagay cla."

Ayon pa sa ilang commenters, may potensyal na maging love team sina Jak at Jackie.

"Ohmyy gassssh Jak and Jackie Gonzaga madami kaming kinikilig sainyo Sana maging loveteam kayo and maging regular host c kuya Jak, " ani ng isang netizen.

Guest judge si Jak ng “Sexy Babe” segment ng noontime show na It's Showtime kung saan isa sa mga host si Jackie.

Una nang napansin ang chemistry nina Jak at Jackie nang mag-post ang aktor ng kanilang litrato ni Jackie noong January 31 sa Facebook habang nasa set sila ng It's Showtime.

Dito ay makikitang nakatakip ang bibig ni Jackie ng kanyang kamay habang nakatitig kay Jak.

"Jack and Jackie. Bagay kau, parang kilig yata c Jackie?" obserbasyon ng isang netizen.

Nakarelasyon ni Jak ang kanyang kapwa Sparkle artist na si Barbie Forteza nang pitong taon.

Samantala, napabalita namang hiwalay na umano si Jackie sa longtime boyfriend niyang na si Tom Doromal.

ALAMIN KUNG SINO-SINO PANG KAPUSO CELEBRITIES ANG BUMISITA AT NAPANOOD SA IT'S SHOWTIME SA GALLERY NA ITO.